Patuloy na bumuhos ang luha ko nang pagkatapos niyang punasan ang aking labi ay nagsimula na itong magmaneho. Hindi siya nagsalita ng kahit ano. Sumasakit ang puso ko dahil sa pakikitungo niya ngayon sa akin. I looked at him everytime and I can always notice his tight grip on the steering wheel. I bit my lip and did my best to stop crying hanggang sa makarating kami sa building ng condo unit niya. Sabay kaming lumabas doon. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang paglagay niya ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Pilit kong nilulunok ang malaking bara na nakaharang sa lalamunan ko. I’m trying my best not to cry again pero nasasaktan ako sa kinikilos niya. Pagkarating namin sa unit ay kaagad itong nahiga sa sofa. Ipinatong niya ang kanyang braso sa kanyang mukha at pumikit. Dahan-da

