Hindi ako mapakali habang hinihintay si Lucas. Napalingon ako kay Shienel nang makita ang malaki nitong ngisi sa akin. Even her was as shocked as me when I told her that Lucas is here in Manila. Akala pa nga niya ay binibiro ko siya pero nang makita niya kung gaano rin ako nagulat ay naniwala na rin siya sa akin. “Na-miss ka! Sana all na-mi-miss!” asar sa akin ni Shienel. Napailing ako sa kanya. Sa totoo lang ay problemado ako kung paano ko sasabihin ito kay Adam. He was anticipating for me to go to him after this pero mukhang hindi matutuloy dahil nandito si Lucas sa Manila. Halos mapaigtad ako nang biglang may magtakip sa mga mata ko. I inhaled the familiar scent of Lucas. Kasabay niyon ay narinig ko ang mahinang tili ni Shienel. Marahan kong tinanggal ang kamay ni Lucas sa mukha ko sa

