Naluluha itong napatango saka ako niyakap nang mahigpit. Hindi ko na napigilang maiyak. “Sa wakas, nayakap din kita...” lumuluhang sabi nito. Saglit siyang humiwalay at marahang hinawakan ang magkabila kong mukha. Patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mukha ngunit kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. She’s smiling while crying and I know I looked like that too. I felt so happy. I felt so contented. Finally, I’m home. “Kay gandang bata, talagang mana sa akin!” umiiyak na biro nito. Hindi ko napigilang mapangiti. Muli niya akong niyakap at malugod kong sinuklian iyon. Pagkatapos niyon ay pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. She gently held my hand and told me to get in her office. Nang mapag-isa kami doon ay naupo kami sa baka

