Hindi ako pinapansin ni Kuya Adam hanggang kinaumagahan. Gusto ko sanang mainis din sa kanya dahil ginagawa niyang big deal lahat ng patungkol kay Lucas. Lagi na lang siya sa akin nagagalit samantalang wala naman akong ginagawang masama pero naisip ko, mag-aaway na naman kami kapag pinatulan ko pa. Ngayon na nga lang kami magkakabati tapos magiging parang aso’t-pusa naman kami sa tuwing laging napapasok sa eksena si Lucas. Nakaupo kami sa van. Papunta na kami sa Morong Beach kung saan sikat at dinadayo ang Nakabuang Arch. It was good in the picture at excited akong makita iyon ng personal. Natural pa iyon na rock formations. Nagkataon lang talaga na hugis arko iyon kaya dinadayo. It was good for picture taking while having the beach as your background. Binalingan ko si Kuya Adam. He wa

