Hindi lang isang beses akong nakapunta sa game ni Lucas sa buong bakasyon na iyon. Sa isang linggo ay halos dalawa ang games nila. Hindi iyon palaging ginaganap sa university namin kaya naman ipinapaalam niya ako kila Mama sa tuwing susunduin niya ako patungo sa mga malalapit na university sa amin. Of course, Mama at Papa were so happy. Most especially si Mama. Kulang na nga lang ay itakwil niya na ako para hindi na ako umuwi at laging makasama si Lucas. Everytime Lucas is in our house, parang ayaw na niyang pumasok sa opisina. Halatang kuhang-kuha ni Lucas ang loob nila. Lucas and I got close. Nalaman na rin nila Shienel na official na ang panliligaw ni Lucas sa akin. Of course, it easily got spread on our entire university, lalo na sa Business majors at sa mga Fashion Design majors.

