Kahit pa sabihin ni Lucas na ayos lang iyon ay hindi pa rin ako mapanatag lalo pa’t alam ko sa sarili ko nagsisinungaling lang ako sa kanya. I had to do something para mabawanan kahit papaano ang konsensya ko sa ginagawa ko sa kanya. It’s one thing that I’m using him to cover up my relationship with Adam and it’s another to lie in his face. “May gagawin ka ba after class? Or may game ka ba ulit?” nahihiya pa rin na sabi ko dito. Napansin ko ang paglitaw ng isang ngiti sa kanyang labi. Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok saka umiling. “Wala naman, why? Aayain mo kong makipag-date?” nangingiti nitong wika. Unti-unti akong nakakahinga nang maluwag. I let myself to loosen up and smile brightly at him. “If ever you’re availble. But if not, then we can go out some other time.” I heard h

