PAGDATING sa remix kung saan isa-isa na kaming sasayaw, mas dinama ko ang tugtog para hindi ako makaramdam ng kaba at maging maayos ang pagsayaw. Nakahinga ako ng maluwag nang magpalakpakan sila lalo na at narinig ko ang pagtili ni Emily. Pagkatapos ko, nagsunod-sunod na mga co-models ko hanggang sa matapos kami. Sabay-sabay kaming yumuko pagkatapos naming mag-perform na mayroong ngiti sa labi. Sobrang sarap sa pakiramdam na natapos ko ang sayaw nang hindi ako nagkakamali. “Wow! That’s a wonderful performance! Thank you, ladies!” puri ni Miss Daniella. Bumalik na ulit kami sa loob at nag-congratulate sa isa’t isa. Lalapitan ko sana si Denise nang mapansin kong nakasimangot siya sa isang sulok at tutok na tutok sa cellphone niya. Nang makita niya ako, umirap siya sa akin at lumabas. Hina

