bc

TITIBOK-t***k PA RIN SA 'YO (BARKADA SERIES 1) [18+] Gavin & Ella

book_age18+
223
FOLLOW
2.4K
READ
another world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ella Akatam. A.K.A Ell.

Babae pero pusong lalaki. Paano kung isang araw ay may babaeng magka gusto sa kanya? and this is Daniela Corpuz.

Ngunit wala man lang siyang kahit kunting katitig na pag tingin rito.

Dahil para sa kanya si Nica lang ang gusto niya, ang kababata niya na pinag hiwalay sila ng maraming taon.

Makikita pa kaya nyang muli ang crush na crush nyang si Nica??

At paano naman kung ang nagkaka gusto sa kanya na si Daniela ay may nag hahabol dito na binata. At gusto si Daniela na maka one nightstand. Well Daniela is a hired girl, kaya in short sanay na ito sa gawaing one nightstand.

Pero ang babaeng si Daniela ay nagka interes kay Ella na tibo. Gwapong gwapo si Daniela kay Ell kahit pa ito ay hindi tunay na lalaki.

Si Gavin De Guzman certified playboy pero napaka gwapo at billionaire, para sa kanya ang babae ay one nightstand lang.Wala naman talaga syang balak habulin si Daniela dahil lang sa s*x dahil pwede naman siya kumuha ng ibang babae or ilang babae kung gusto niya, pero ang hindi lang niya matanggap ay umayaw si Daniela dahil lang daw sa isang tibo.

"F**k I'm GAVIN DE GUZMAN pero mas pinili ng babaeng yon ang tibo over me?"

"Tignan lang natin kung hindi ka babalik sa pagka babae mo tibo kung matitikman mo ang isang Gavin De Guzma."

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
**THIRD PERSON** "Apo, hindi ba sinabi ko na sa'yo na iwas-iwasan mo ang pagsama sa mga batang lalaki na 'yan?" "Lola, ano po ba ang problema kung sila ang kasama ko at kalaro ko?" "Apo, babae ka. Kaya dapat ang mga kaibigan at kalaro mo ay babae rin. Dapat sa babae ka nakikipaglaro at hindi sa mga batang lalaki." "Eh, Lola, hindi po kasi ako komportable pag babae 'yung kalaro ko. At saka, ayoko po kasi ng mga laro nila—masyadong boring." Siya si Ella Akatam, lumaki sa kaniyang lola Bea. Kuwento sa kaniya ng kaniyang lola, namatay daw ang nanay niya sa panganganak sa kaniya, dahilan upang ang kaniyang ama ay ayaw sa kaniya. Sinisisi siya ng kaniyang ama kung bakit daw nawala ang babaeng pinakamamahal niya. Yes, it's true—siya ang sinisisi ng papa niya kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang babae. Nag-iisang anak lang siya ng kaniyang mga magulang. Pitong taong gulang pa lang siya nang umalis ang kaniyang ama at hindi nila alam ng lola niya kung saan ito nagpunta. Kahit sa mura niyang edad noon, alam na niya kung bakit umalis ang kaniyang ama at iniwan siya. Mas pinili pa raw niyang umalis kaysa makasama o makita siya nito araw-araw. Mabuti na lang at nariyan ang lola Bea niya para alagaan siya. Ngayon, siya ay 10 taong gulang na. Tatlong taon na mula nang iwan siya ng kaniyang ama sa kaniyang lola. "Nicaaaa!" tawag niya sa kaniyang bestfriend. Si Nica lang ang nag-iisang bestfriend niya dahil halos lahat ng kaibigan niya ay puro lalaki. Sa totoo lang, ayaw talaga niyang makipagkaibigan sa babae kasi tulad ng sabi niya sa kaniyang lola, hindi siya komportable sa babaeng kaibigan dahil boring daw ang mga ito kalaro. Yung iba pa daw ay maarte at ayaw din pati sa kaniya dahil iba daw siya manamit at kumilos. Well, si Ella ay babae pero pusong lalaki lang naman. At kaya siya nakipagkaibigan kay Nica ay dahil crush na crush niya ito, hindi lang niya masabi sa bestfriend niya dahil natatakot siya na baka layuan siya nito. Yes, sa edad na 10 taong gulang ay may crush na siya. 'Yun nga lang, katulad din niya ito na babae. Maganda si Nica—morena, may mahabang buhok, matangos na ilong, mahabang pilik mata, at manipis na labi. Pero mas maganda pa rin si Ella dahil kahit bihis-lalaki at kilos-lalaki, isabay pa ang lagi niyang suot na sumbrero, lumilitaw pa rin ang kagandahan nito bilang isang babae. Maputi si Ella, matangos ang ilong, mahabang pilik mata, manipis at mapupulang labi, at lalo na ang panga nitong akala mo'y dumaan sa rhinoplasty. Isama pa ang maganda nitong ngiti na kahit konting ngiti lang niya, lumalabas na ang isang dimple niya sa kaliwang bahagi ng pisngi niya. "Ell!" tawag din sa kaniya ng kaibigan niyang si Nica. Yes, Ell lang dahil ayaw niya sa Ella dahil ang lakas daw makababae. Alam naman kasi ni Nica na pusong lalaki siya. 'Yun lang naman kasi ang hindi alam ni Nica—na crush siya ni Ell. "Saan ka pupunta? Bakit parang bihis na bihis ka? Lalo ka tuloy gumanda," puri ni Ell sa kaibigan. "Pupunta ako kina lola Esme at lolo Ped," sagot ng kaibigan niya habang naglalakad sila papunta kung saan pupunta si Nica. "Doon ka lang pala pupunta, bakit nagbihis ka pa ng maganda?" tanong ni Ell. Huminto si Nica sa paglalakad at humarap ito sa kanya at walang sabing niyakap siya nito. Nabigla si Ell sa ginawa ng kaibigan, subalit niyakap pa rin niya ito pabalik kahit puno siya ng pagtataka. Napangiti pa nga siya at namula ang pisngi niya—pakiramdam niya ay kinikilig siya. Pero nawala agad ang ngiti niya nang maramdaman niyang parang nababasa ang kanyang balikat. Nakasubsob kasi ang mukha ni Nica sa kanyang leeg. Dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakayakap at hinawakan ito sa magkabilang balikat nito. "Nica, bakit ka umiiyak?" tanong ni Ell sa kaibigan niya nang makita niya itong umiiyak. "E...Ell, sabi kasi ni Mama at Papa, uuwi daw kami sa probinsya ni Papa," putol-putol nitong sabi dahil sa kakaiyak niya. Napatulala na lang si Ell sa narinig niya mula kay Nica at nag-umpisa na rin tumulo ang kaniyang luha dahil pumasok agad sa kaniyang isip na magkakahiwalay sila ng bestfriend niya na crush din niya. "Wag ka na umiyak, Nica. Siguro balang araw magkikita din naman tayo," pag-tatahan ni Ell sa kaibigan. "Matagal pa siguro mangyari 'yon, Ell. Baka nga hindi na tayo magkita dahil sabi ni Papa baka hindi na daw kami bumalik dito sa Maynila," wika ni Nica. "Mga bata pa naman tayo, Nica. Alam ko balang araw magkikita rin tayo, at pag malaki na tayo at may trabaho na ako, promise ko sa'yo, pupunta ako ng Quezon Province niyo para magkita tayo—hahanapin kita doon." Wika ni Ell sa masiglang tono para tumahan na ang bestfriend niya sa kakaiyak, kahit sa totoo lang ay gusto na rin niyang umiyak dahil nasasaktan siya na aalis ang crush niya sa lugar nila. "Promise 'yan, Ell?" tanong ni Nica kay Ell. "Oo, Nica, promise 'yan," sagot ni Ell sabay taas ng kanang kamay para patotohanan ang kaniyang pangako. **AFTER 15 YEARS** "Jass! Jay! Sam! Gab!" tawag ni Ell sa mga barkada niya na sina Jass, Jay, Sam, at Gab. Kakarating lang niya sa tambayan nila kung saan sila nagkikita-kita pag may gusto silang pag-usapan bilang magkakaibigan. Sa rooftop ng tenement building kung saan din sila nakatira na magkakaibigan. "Pambihira, Ell, bakit naman ang tagal mo?" tanong ni Jass na animoy galit. "Eh, pinatulog ko pa kasi si Lola," sagot ni Ell kay Jass. "So ano bang meron at kumpleto tayo ngayon?" tanong ni Ell sa mga kaibigan habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa apat. "Raket," tipid na wika ni Jay, ang tahimik sa kanilang magkakaibigan. Si Jay ang tahimik sa kanilang magkakaibigan. Mabuti at hindi napapanis ang laway nito dahil hindi ito magsasalita kung hindi pa ito tatanungin. Hindi kagaya ni Jass na sobrang ingay na akala mo'y lagi may kaaway dahil bagsak kung magsalita, pero ganon talaga siya magsalita. Pero mabait naman ito kaya akala ng ibang tao na hindi siya kilala ay may ka-away ito. Si Gab, ang playboy sa kanilang barkada. May pagka-madaldal rin ito, hindi tulad ni Jay na parang panis na ang laway dahil walang kaimik-imik na akala mo'y pipi. At si Sam, ang makulit at mahilig mang-asar. At syempre, si Ell, ang tibo sa kanilang apat, pero mas pogi naman sa kanilang lahat. Actually, lahat sila ay gwapo rin naman—may maipagmamalaki rin naman sila kung mukha at ganda lang naman ng katawan ang pag-uusapan. "Ano bang raket natin ngayon? Gabi na ah," tanong ni Ell dahil alas-siete na ng gabi. Rumaraket-raket kasi sila magkakaibigan tulad na lang ng pagwe-waiter sa mga event, pero tuwing weekend lang naman dahil kahit papaano may mga trabaho naman sila. Talagang masipag lang sila magkakaibigan, lalo pa at lahat sila ay hanggang high school lang ang natapos dahil hirap sa buhay. Pero si Ell kahit papaano ay naigapang niya na makapag-aral siya kahit sa TESDA lang kaya nakatapos siya ng driving at may sariling lisensya siya. Si Jass at Jay ay bartender sa kilalang bar na kung tawagin ay G's Bar. Si Gab naman ay security sa kilalang kumpanya na G's Company, na pinakamalaki at kilalang kumpanya sa Pilipinas. Ang balita ay kahit sa ibang bansa ay meron ding G's Company. Ito ay kumpanya kung saan nanggagaling ang mga mamahaling alak. Ang G's Wine ang pinakamahal na wine at kilala sa buong mundo. Hindi lang naman G's Wine ang meron sa G's Company—meron din iba, pero ang G's Wine daw ang pinakamasarap at pinakamahal na wine sa buong Pilipinas na puro mayayaman lang ang makakatikim dahil sobra daw itong mahal. Umaabot daw ng isang milyon ang isang bote lang. Hindi ito tulad ng iniinom ng magkakaibigan na pag may dalawang daang piso ka, may ilang bote ka kana ng red horse at san mig light. Si Sam naman ay walang trabaho at umaasa lang sa magulang—sa bagay, mayaman kasi itong si Sam. Dahil pagmamay-ari lang naman ng pamilya nila ang tenement na tinitirhan nilang magkakaibigan, at ang mama at papa niya rin ang may-ari ng taxi company kung saan nagtatrabaho si Ell bilang taxi driver. Oo, isang taxi driver si Ell. Sapat na ang kinikita niya para sa pang-araw-araw nila ng kanyang lola. Hindi rin alam ni Ell kung bakit hanggang high school lang ang natapos ni Sam, samantalang may kaya naman sila at walang problema sa pera. Sa bagay, bukod kasi sa pagiging mapang-asar at makulit, may pagka-loko rin kasi siya kaya siguro hindi nakapagtapos. Pero minsan na rin naman niyang nasabi sa mga kaibigan niya na may balak daw siyang magpatuloy sa pag-aaral, hindi nga lang daw niya alam kung kailan. Diba loko rin? Akala mo hindi tumatanda at palaging ipinagpapaliban ang pag-aaral. Sa bagay, kahit anong edad naman pwede kang mag-aral, pero kasi ‘yong iba, kaya late na nakakapasok ay dahil sa financial problem. Pero kasi itong si Sam, wala naman itong problema sa pera. Ewan lang ng mga barkada niya kung ano talaga ang dahilan ng loko na ‘yan. "Doon sa bar na pinapasukan nina Jay at Jass, kailangan daw nila ng extra waiter dahil mukhang may party ang boss nila at doon yata gaganapin sa bar na ‘yon. Ano, game ka, Ell? Mamaya, 9:30 PM," tanong ni Gab, sabay akbay kay Ell at kinindatan pa siya. Siniko naman siya ni Ell kaya napaatras siya at napabitaw sa pag-akbay sa kaniya, sabay hawak sa tagiliran niya kung saan siya siniko nito. "Ang sagwa mo, Gab. May pa-kindat-kindat ka pa, ang baboy mo," sabi ni Ell sa kaibigan na si Gab. Sabay tawanan sina Jass at Sam, habang si Jay naman ay tanging ngisi lang. Ano pa ba ang aasahan sa tao na ‘yan? Hindi nga naimik, tawa pa kaya. "Alam mo, Ella, sayang ka. Ang ganda-ganda mo, kahit nga kilos lalaki ka at bihis lalaki, halatang maganda ka. Pag ako talaga ang natikman mo, ewan ko lang kung di ka bumalik sa pagka-babae mo," mahabang sabi ni Gab kay Ell at aakbayan pa uli ito, pero itinaas ni Ell ang kamao sa harap niya at akmang susuntukin siya. "Ito gusto mong tikman?" sabay taas ni Ell ng kamao niya sa harap ng mukha ni Gab. "Ohhh, relax, Ella. Ikaw naman, ‘di ka na mabiro," sabi ni Gab na halatang takot dahil alam nilang magkakaibigan na may alam si Ell pagdating sa pakikipagsuntukan. Tawa naman nang tawa si Sam at Jass sa kanila. "Isa pang tawag mo sa akin ng Ella, sasapakin na kita, Gab," wika ni Ell kay Gab sa matigas na boses."So, ano, Gab, Ell, sasama ba kayo sa amin mamaya?" tanong ni Jay sa kanila.Wow, himala, nagsalita si Mr. Silent, sa isip ni Ell. "Buti naman at nagsalita ka, dude Jay. Akala namin dito, ngisi ka lang," wika ni Sam kay Jay."Manahimik ka, Sam, ‘di ikaw ang tinatanong ko," sagot ni Jay. "Wow, dude, mukhang bagong buhay ka, ah?""Alam mo, umuwi ka na nga, Sam. ‘Di ka naman kasama dito, eh," sabi ni Jay. "Oh, sinong hindi kasama diyan? Ano yang sinasabi mo? Sasama ako, noh! Raket din ‘yon," naka-ngiting wika ni Sam. "Baka mamaya manggulo ka lang doon, Sam," sabi naman ni Ell. "Relax, mga dude. Trabaho lang, promise," sabay taas pa nito ng kanang kamay bilang pangako."Bakit ka pa sasama at magtatrabaho? May pera ka naman at walang problema sa buhay," singit ni Gab. "Ano ba, mga dude? Hindi pa kayo nasanay diyan kay Sam, lagi na lang nakikisabit pag may raket tayo," wika naman ni Jass.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook