* *Gavin's POV* * "Yes, finally may candidate na tayo, guys! Hi, Miss Beautiful, what's your name?" tanong ng emcee kay Ell. "Ell," maikli niyang sagot, na may kasamang seryosong tingin. "Okay, may alam ka bang kanta ng Silent Sanctuary, Miss Ell?" tanong muli ng emcee. "Yes, meron," sagot ni Ell, kalmado pa rin. "Nice to hear that! So, what do you want? Sing with guitar or without guitar? And what song?" tanong pa ng emcee. "'Ikaw Lamang' by Silent Sanctuary with guitar," sagot ni Ell, na walang alinlangan. What? She knows how to play a guitar?! Bulong ko sa sarili, na may halong pagkagulat at paghanga. Binigyan si Ell ng gitara ng isa sa mga nasa stage, at umupo siya sa harap ng microphone. Habang yakap niya ang gitara, hindi ko mapigilan ang hindi tumayo sa kinauupuan ko nang ma

