**GAVIN's POV** 3:00 PM Nasa biyahe kami ngayon ni Billy papunta sa condo ni Dennis dahil may mga pag-uusapan kami tungkol sa business. Balak kasi namin magpatayo ng bagong branch ng GBD's Bar sa Makati. Naisip namin na doon na lang kami mag-meeting sa condo ni Dennis. "Bro, kailan ba natin balak umpisahan ang pagpapatayo sa bagong branch ng GBD's Bar?" tanong ni Billy sa akin. "Saka na natin malalaman pagkatapos ng meeting natin mamaya ni Dennis, bro," sagot ko naman sa kanya. "Okay," maikling tugon ni Billy. Nagmamaneho ako nang maisip kong tawagan si Vilma, ang secretary ko, para itanong ang schedule ko bukas. Balak kasi namin ni Billy na doon matulog sa condo ni Dennis dahil malaki naman ang condo niya at may mga ibang kwarto pa. Napag-usapan din kasi namin na after ng meeting a

