Pabalik balik sa paglalakad si Gavin habang tinitignan niya ang tatlong picture na pinasa sa kanya ni Jason. Tinitignan niya ito nang kunot noo. Maya maya pa ay umupo ito sa may gilid ng kama niya, kakatapos lang din niya maligo at naka boxer lang siya at t-shirt na black, hindi niya alam kung bakit pa balik balik niya tinitignan ang picture. Ngumingisi lang siya na para bang ngisi ng may balak hindi maganda. Tatlong picture yun, unang picture ay kung saan pinag buksan ni Ell sa Daniela ng pinto ng kotse nito habang nasa harap sila ng building kung nasaan ang condo ni Daniela. Pangalawang picture ay kung saan hinalikan ni Daniela si Ell sa lips nito. Hindi naman talaga sa lips ang kiss na yon, sa may gilid lang yon ng kanyang labi pero ang lumabas kasi sa picture ay parang sa labi talag

