* *Gavin's POV* * Pumasok ako sa kwarto ko matapos ang pagtatalo namin ni Tibo. Pabalik-balik lang ako sa paglalakad sa harap ng kama ko, habang iniisip ko ang pagtatalo namin kanina. Magkahalong inis at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Inis, dahil hindi ko matanggap ang sinabi niya na kung bakla lang daw siya, safe daw ako sa kanya dahil may taste naman daw siya. So, ano 'yon? Hindi pasok ang isang Gavin De Guzman sa taste niya? Damn s**t, paano ka naman magiging bakla? babae ka naman. Tibo ka nga lang. Bulong ko sa sarili ko. At siyempre, natuwa naman ako, dahil nainis ko rin naman siya kanina sa mga binulong ko. Ako pa rin ang panalo sa part na 'yon. Iyon nga lang, as always, nag-init na naman ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Damn, Gavin, what's wrong with you? Hindi ka naman ganya

