* *Gavin's POV* * Pagpasok ko ng kwarto, pabagsak kong sinara ang pinto. Ewan ko, pero naiinis ako sa mga sinabi ni Tibo. Hindi ko tuloy napigilan sabihin sa kanya na ayoko siyang nakikitang nanonood ng Pornhub kasama ang kaibigan niya. F**k, Gavin, ano bang nangyayari sa'yo? Bulong ko sa sarili habang hinihilot ko ang aking batok. Napatingin ako kay Nicole na nasa kama, mukhang naghihintay sa akin, nakabra at panty lang na kulay asul. Maya-maya pa, umalis siya sa kama at lumapit sa akin. Pagkalapit niya, walang alinlangan akong hinalikan niya sa mga labi ko. Maya-maya pa, bumaba ang halik niya sa aking panga, pababa sa leeg, hanggang sa dibdib ko. Wala na rin kasi akong t-shirt dahil naalis na niya kanina. Habang hinahalikan niya ang aking abs, inaalis naman niya ang sinturon ng pantal

