* *Ella's POV* * Thursday, 6:35 PM Ngayon gaganapin ang welcome party para sa parents ni Boss Gavin. Nandito kami ngayon sa bahay ni Gab dahil pupunta din sila doon bilang mga waiters. 7:00 PM ang alis nila, at may susundo sa kanila. Si Billy ang dahilan kung bakit sila may raket sa welcome party ng mga De Guzman; siya ang nag-recommend sa amin. Alam ni Billy na hilig namin ang mag-extra bilang waiters, at dahil Boss nila si Billy sa trabaho bilang bartenders, nakauwi sila ng maaga mula sa trabaho. Si Gab naman ay nagpaalam din para makauwi ng maaga. Tapos na kaming lahat magbihis dahil malapit na rin dumating ang sundo ng mga kaibigan ko papunta sa mansion ng mga De Guzman. Ako naman, hinihintay ko lang si Boss Gavin. Maya-maya pa ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Unknown number

