Pasilip
“Take me,” nakapikit na bulong ni Sabrina sa lalaking lumapit sa kaniya. “I'm all yours tonight.”
Tumigas ang ekspresyon nito at matalim ang mga matang tinititigan ang magandang mukha ni Sabrina.
“Are you sure of that, babe?” malalim ang tinig na tanong ng guwapong lalaking lumapit kay Sabrina.
“Yes,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. “Make me pregnant. Give me a child, kahit isa lang.”
“Sure, babe.” Ngumisi ang lalaki at nakangiting bumulong malapit sa punong tainga ni Sabrina.
“Simula ngayon, akin ka na, Sab.”
Kahit lasing, nangunot ang noo ni Sabrina at nalukot ang maganda niyang mukha.
“I'm not yours, Mr. But don't worry because I'm going to pay you tonight.”
Nangunot ang noo ni Arvin habang nakatingin sa magandang mukha ni Sabrina. Hindi niya akalain na hihingin sa kaniya ng kinakapatid na buntisin niya ito at walang pag-aalinlangan na ibibigay nito ang sarili sa kaniya ngayong gabi.
“Why, Sab?” naguguluhan na tanong ni Arvin sa kaniyang kinakapatid.
“Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka naglalasing?”
Biglang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Sabrina at naglandas ito sa makinis niyang mga pisngi, pero mabilis niya itong pinahid gamit ang likod ng kaniyang palad.
“Lasing ka na, ihahatid na kita sa penthouse mo, Sab.”
Hinawakan ni Arvin sa braso si Sabrina, pero hinawi nito ang kaniyang kamay at pagkatapos, muling dinampot ang bote ng alak at mabilis niya itong tinungga.
“Kung ayaw mo sa akin, maghahanap na ako ng ibang lalaking gagawa ng gusto ko!” lasing na singhal ni Sabrina.
Napatiim-bagang si Arvin at mariin na kinuyom ang kamao dahil nakaramdam siya ng galit at inis matapos marinig ang sinabi ni Sabrina.
Isipin pa lang niya na may ibang lalaki ang hahawak sa babaeng mahal niya ay nag-iinit na ang kaniyang ulo. Kaya kahit ano pa ang sabihin at hingin ngayon ng kaniyang kinakapatid, ibibigay niya.
“I'll do it kung ‘yan ang gusto mo, Sabrina.”
Napangiti si Sabrina. Binitiwan niya ang hawak na bote ng alak at walang pagdadalawang-isip na umikot ang kaniyang mga braso sa leeg ni Arvin.
“I'm ready, please take me and make me pregnant.”
Sandaling natigilan si Arvin at napatitig sa magandang mukha ng kaniyang kinakapatid, hanggang sa tuluyan na niyang hindi napigilan ang sarili at mabilis na yumuko at siniil ng maalab na halik ang mga labi ni Sabrina.