VERONIKA'S POV: "Katy?" taka kong tawag sa pangalan niya nang marinig ang boses niya. Kahit kailan ay hindi ko nakakalimutan ang boses niya. Isa siya sa naging kaibigan ko, kaya naging espesyal na siya sa akin. "Katy, ikaw ba 'yan? Bakit? Tulungan mo naman ako, pakawalan niyo na ako, hinahanap na ako panigurado ni Nic. Maawa ka sa anak ko," pakiusap ko, habang ang mga luha ko ay nababasa na ang telang nakapiring sa aking mga mata. Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya, pero hindi niya ako sinagot. Tanging mga lalaking nag-uusap lamang ang naririnig ko. Panay ang pagmamakaawa ko. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghigit sa aking braso, hanggang sa kinaladkad ako ng at padaskolang humahawak sa akin na sa tingin ko ay lalaki. Huminto kami saglit at narinig ko ang pagbukas ng pinto

