VERONIKA'S POV: Tahimik na lang akong kumain at hindi na masyadong nag-focus kay Nicandro. Diyos ko, napakalandi ng lalaking ito! Pati sa harap ng magulang niya ay nakakaya niyang magsabi ng gano'n. Matapos kumain ay hinila na ako ni Madam Ava sa sala. She showed me all her pasalubong. "Ito, Iha! Bagay sa'yo ang damit na ito," natutuwa niyang sabi, habang itinatapat sa akin ang pulang bestida. "What color is your favorite?" tanong niya, na agaran ko rin namang sinagot. "Red and black po," sagot ko. "Wow, tamang-tama pala ang mga binili ko sa'yo," sabay palakpak niya. "Ang dami niyo naman po palang pinamili, nakakahiya naman po." Sabay kagat sa aking labi. "No, h'wag kang mahiya, Iha. I like you kasi inalagaan mo ang aking anak nang mabuti. I can't thank you enough for that. And th

