NICANDRO'S POV: "Patay na siya!" malakas na sigaw ni Aryana kasabay ng pagtayo niya, habang dinadalaw ko dito sa kulungan. Ilang beses akong nagpabalik-balik dito para lang matanong siya kung saan niya dinala si Nika. We've seen the place where she took Nika, nahuli rin ang mga tauhan niya pero si Katy na kasamabahay ko ay hindi pa rin makita, katulad ni Nika. "Hindi ako naniniwala!" Sabay tayo ko rin. "Yo've seen her blood, 'di ba?" Sabay ngisi niya nang nakakaloko. "Patay na siya, tinangay ang katawan niya matapos ko siyang barilin sa puso!" matapang niyang sabi. Marahas akong lumapit sa kanya, at nilamukos ang damit niya saka hinila upang mapalapit siya lalo sa akin. "Ang lakas talaga ng loob mo magsalita ng ganyan!" Wala talaga siyang konsensya at ipinaglalandakan niya pa. "I wi

