VERONIKA'S POV: Tapos na akong magluto ako ng pasta na ini-request sa akin ni Lucas kaninang umaga bago pumasok. Ngayon ay inaantay ko na lamang siya dito sa aming garden. Isang buwan na akong may amnesia, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang aking alaala. Ang sabi ni Lucio sa akin ay huwag daw akong lumabas, dahil baka balikan ako ng mga kumidnap sa akin. Sa takot ko na makidnap ulit ay sinunod ko ang utos ng aking asawa. "Mommy!" malakas niyang tawag sa akin habang masayang lumalapit. "Look, Mommy! I got five stars!" sambit nito, nang kargahin ko at ipinapakita ang kamay niya na puro tatak ng mga bituin. "He's been so excited to tell you that," singit ni Lucio, na agad na humalik sa aking pisngi matapos mai-park ng ayos ang kotse. Ipinaikot niya ang kamay sa aking

