VERONIKA'S POV: Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. Kasabay no'n ang paglapit sa akin na si Teklay, ang tindera sa kinainan ko. "Tapos ka na?" tanong niya. "Sasamahan na muna kita sa bahay para makapagpahinga ka," sambit niya, bago nagpaalam sa kasama niya. "Hindi ka ba malulugi kapag sinamahan mo ako?" nahihiya kong tanong sa kanya. "Hindi naman, bukas pa naman ang karinderya ko, at andyan pa si Loleng. Kayang-kaya niyang bantayan ang karindirya ko," sabi niya nang nakangiti. Kaya pumayag na ako. Aayaw pa ba ako, e tulong na iyon sa akin. Sumakay kami ng tricycle papunta sa kanila, habang nakasakay kami ay naalala ko si Nanay. Kaya dali-fali kong inilabas ang aking cellphone. Sinabi ko kung nasaan ako at h'wag na siyang mag-alala. Sinabi ko na tatawag ako kapag oras na maramda

