NICANDRO'S POV: Pagod na pagod ako sa dami nang naging problema sa kumpanya. Mabilis kong binagtas ang kalsada pauwi sa bahay. Pagkatapos na mai-park ang aking kotse sa garahe ay agad na akong bumaba ng aking kotse. Kumunot ang aking noo, nang hindi mabungaran si Nika na nag-aantay sa akin palagi sa tuwing ako'y parating. Where is she? Bakit tila ang tahimik ng bahay, na parang kay lungkot niyon tingnan mula rito sa garahe. Bigla ay nakaramdama ako ng kaba. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo, at iwinaksi ang aking nararamdaman. Baka nakatulog lang. Masyado akong nag-iisip ng mga negatibong bagay. Daig ko pa ang babae, tsk! Pagpasok ko sa loob ay ang katahimikan agad ang bumungad sa akin. Para bang may malamig na hangin na bumabalot sa loob ng sala na hindi ko maintindihan. Agad na

