VERONIKA'S POV: Bago pumasok sa opisina si Nic ay halos hindi niya na ako lubayan sa kakahalik, na talaga namang lubos kong ikinakilig. Akala ko noon wala ng ibang magmamahal sa akin, dahil ang kaisa-isang minahal ko noon ay niloko ako at nagpakasal sa iba. Hindi ko akalain na may isang Nic na dadating sa buhay ko. Inihatid ko siya nang tingin hanggang sa makaalis ang sasakyan niya. "Uy, si Ma'am! Kaya ang blooming-blooming niyo, mahal na mahal kayo ni Sir Nic, sana all!" sambit ni Katy na tila nangangarap pa. "Sana all ka dyan, akala mo hindi ko nakita 'yung pagpapa-cute mo kay Dodong?" 'Yung bagong hardinero na ipinadala ni Madam Ava noong isang araw. "Ang gwapo naman kasi, e ang macho pa! Tsaka sabi niya gusto niya daw akong ligawan," kinikilig niyang sabi, na tila maiihi pa. "

