CHAPTER 25

1393 Words

VERONIKA'S POV: Nagising ako sa lakas ng katok ng pinto. Pupungas-pungas pa ako nang mapagbuksan na hindi si Nic iyon. "Ma'am, hindi pa po ba kayo kakain?" tanong ni Katy sa akin, ang boses niya'y puno ng pag-aalala. Inilingan ko lang, saka muling bumalik sa kama at nahiga. Hinayaan na makapasok siya sa aming kwarto ni Nic. "Salamat, Katy, pero wala akong gana," sambit ko, bago nagtalakbong ng kumot. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan, parang ayaw gumalaw. Naramdaman kong lumapit si Katy at tumabi sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking ulo, na ikinaginhawa ng aking pakiramdam. "Wala ka bang gana kasi kasama ni Sir Nic 'yung bruha?" wika niya na ikinalingon ko. "Naku! Hindi papatulan ni Sir Nic 'yon! Hindi naman maganda, sobra lang nababalutan ng makapal na make-up ang mukha no'n.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD