"Blue! Anong kabaliwan ‘to?! I-unlock mo ang pinto at gate! Hindi mo ako pwedeng ikulong dito!" inis na bulalas ni Cassie ng puntahan si Blue sa cover court s***h gym na nasa loob mismo ng bahay nito. Naroon ang kambal at nag lalaro ang tatlo ng basketball. Napag bigyan na niya ito sa paki-usap nitong tulungan itong ipakulong si Pia although hindi pa tapos ang hearing pero malinaw na talo na si Pia dahil lumabas na ang katotohanan sa sarili nitong bibig. Inihagis ni Blue ang bola pero hindi nag shoot saka lumingon kay Cassie na simangot na simangot nanaman, kahapon 2 days pa lang itong napipirmi sa bahay pero ngayon gusto nanaman nitong umalis. Hindi na nga niya ito pinipigilan na umalis since na ngako naman ang papa nito na meron ng mga taong nakabantay kay Cassie. Pero hindi pa rin si

