Nasa kalagitnaan ng paglilitis ang kaso ni Pia at na raramdaman na ni Blue ang tagumpay ngunit meron pa siyang gustong malaman at palabasin kaya kailangan niyang pahabain pa ng konti ang kaso. Mataimtim ang katahimikan sa loob ng courtroom habang binabasa ni Atty. Blue Chua ang mga dokumento sa harap niya. Si Pia ay nakaupo sa witness stand, halatang tensyonado, pinapahid ang pawis sa noo. Sa gilid ng court, si Cassie ay tahimik na nakaupo, ngunit ang mga mata ay matalim na nakatutok kay Pia. "Atty. Chua, you may now proceed with your cross-examination." utos ng judge kaya tumayo na si Blue para muling humarap kay Pia. Huminga muna siya ng malalim bago tumikhim, ramdam ang tensyon sa loob ng buong courtroom at naka abang sa muling pagkakamali ni Pia. "Ms. Sarmiento, in your sworn test

