Mahinang sinasabayan ni Cassie ang music na tumutugtog sa headphone niya nasa tenga habang iniintay ang flight niya papuntang Palawan. Naka suot ni Cassie ng oversized sunglasses, white linen shirt, at shorts na pambiyahe. Nasa paanan niya ang maliit na carry-on luggage. Tahimik lang siyang nakanta habang nagbabasa sa phone ng mga message niya, chill at excited na muling makita si Kaizer natawagan na din niya ang kaibigan na siyang nag babantay sa anak niya sa Palawan. Medyo nagulat pa siya ng bigla isang luggage ang bumagsak sa tabi ng bag niya itim. Hindi man lang siya tumingin pero may kutob na siya kung kanino yun at nag simula na siyang mairita agad. "Wow! You’re here too? Who would've thought we’d bump into each other again like this?" wika pa ni Blue na naupo sa tabi niya habang

