"Mommy! Mommy! Mommy! You weally here naaa! Yeyyyy! Yeyyyy!" malakas na sigaw ni Kaikai na panay ang talon at palakpak pa habang papasok pa lang sa gate si Cassie na naka sumbrero at facemask pa pero agad siyang nakilala ng anak. Tuwang-tuwa naman tumakbo si Cassie para salubungin na ang anak na mabilis na inalis na ang suot na sumbrero at facemask saka tuwang-tuwa na binuhat ang anak saka pinupog ng halik ang anak na nag titili at humagikgik. "1 or 2 dalawang beses sa bawat linggo dumadating dito si Cassie walang fix na araw basta ginagawa na lang kapitbahay ang Palawan para puntahan ang anak niya." ani Juancho habang nakatingin sila sa mag-ina na halatang tuwang-tuwa parehas. "Bakit hindi na lang niya isama sa Manila ang anak niya, bakit hinahayaan niyang magkalayo silang mag-ina?" tan

