"Before we begin the exchange of rings, Blue and Cassandra have chosen to share their personal vows." wika ng pari na nasa unahan. Agad naman nag harap si Blue at Cassie na mag ka hawak kamay habang hawak nila ang isang mic. Tumikhim naman muna si Cassie na siyang unang mag sasalita. Ngumit si Cassie pero kitang na ngilid ang mga luha nitong pinipigilan. "Blue…" "Kung alam mo lang… kung ilang beses kong hiniling na makarating tayo sa araw na ‘to. There were moments I thought we wouldn't make it. Noong iniwan mo ako. Noong nakalimutan mo ako. Noong pinili mong saktan ako dahil sa mga kasinungalingan ng iba." napalunok si Cassie na saglit na huminto bago muling ngumiti na itinuloy ang kanyang vow. "But even then, I never stopped believing in you. Kasi kahit nagalit ka… kahit hindi mo ako

