"Magandang gabi mga bisita, kaibigan, ninong, ninang, ex, side chick na di invited pero nakasingit, at mga taong dumalo lang dahil may buffet! Welcome to the most chaotic, most romantic, and most delayed wedding of the year THE WEDDING RECEPTION OF BLUE AND CASSIE! A.K.A. the only wedding na may emotional damage, character development, and redemption arc!" wika ni Raine after pumasok ng newlyweds. "Ako nga pala ang host ngayong gabi — Raine, ang certified kabogera ngayon gabi at mag hahatid ng saya sa inyong nanlalamig na puso. At para sa mga curious… oo, available pa ako pero depende po sa akin napakaguwapong asawa na gusto ng uminom ng maintenance. Daddyow! I love you." sigaw pa ni Raine sabay turo kay Yuan na nag flying kiss na lang sa asawa na maligalig pa sa anak nila. "Tonight, we

