bc

Winning Her Back ( Tagalog )

book_age18+
727
FOLLOW
6.0K
READ
billionaire
HE
drama
bxg
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

"May magkakagusto ba sa isang extra-large na katulad ko?" Siya si Madison Williams—isang extra-large kung tawagin. Siya'y isang anak mayaman at lumaking ang lahat ng kanyang gustuhin ay kanyang nakukuha. Sa kabila ng kanyang pagiging kakaiba ay hindi niya inaasahan na may magkakagusto pa sa isang katulad niyang extra-large kung tawagin, dahil ang nag-iisang lalakeng pinangarap lamang niya ay magkakagusto sa kanya. Ang kanyang long time crush—ito ay si Sebastian Mondragon, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Mondragon Textile Groups of Company. Gwapo, matangkad, maputi at may dalawang malalalim na dimple's. Ang Alden Richards ng buhay niya kung ito'y kanyang ituring. Para mapatunayan ni Madison na sinsero sa kanya ang binata ay hinamon niya ito ng kasalan. At ang sumunod ay ang hindi niya inaasahan dahil sa edad nilang dalawampu't dalawa ay nagpakasal sila, ngunit wala pang bente kwatro oras ay kaagad ding nagkahiwalay ang dalawa, dahil ang nangyaring kasalan sa pagitan nila ni Sebastian ay isa palang pustahan. Hindi niya matanggap na pinakasalan lamang siya ni Sebastian ng dahil sa isang pustahan nilang magkakaibigan. Sobra siyang nasaktan sa kanyang mga nalaman at siya'y nagpakalayo-layo at nagtago sa loob ng maraming taon. Ano ang gagawin niya ngayong nagbunga ang isang gabing kanilang pinagsaluhan? Paano siya magpapatuloy sa buhay kung hanggang ngayon ay patuloy parin siyang nasasaktan, dahil sa sakit ng nakaraan na pilit paring bumabalik sa kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
_KABANATA 1
NOTICE: There are some scenes that are not suitable for very young reader's. The story may contains of s*x, drug's, and violence. * * * * Double cheeseburger, large french fries, large coke and a sundae dip. Mga paboritong pagkain na in- order ni Madison kapag nasa isang fastfood chain siya kasama ng best friends niyang sina Alyana at si Marco na isang binabae. "Madison, hindi kapa ba tapos diyan? Anong oras na malelate na tayo sa next subject natin!" reklamo pa ni Alyana dahil hindi na ito matapos-tapos sa kanyang kinakain. "Oo na heto na, patapos na!" halos mabulunan pa si Madison dahil sa punong- puno pa ang bibig nito habang nagsasalita. "Bestie, magbago kana, look at yourself. You're getting bigger. Sana naman maawa ka sa sarili mo!" Nagsesermon na naman ang mga kaibigan niya.Ni ayaw niyang makinig, dahil naririndi na siya sa paulit-ulit nilang paalala. "Bakit ba masarap kumain eh!" sagot naman niya. "Alyana is right girl, so please! Nagmamaka- awa kami sayo. Hinay- hinay naman sa pagkain, Madi." wika naman ni Marco. Hanggang sa... "Sissy, look who's coming! Jeez your crush!" sabay nguso ni Alyana sa pintuan ng fast food restaurant na pinuntahan nila. Puno ang bibig, na napatingin si Madison sa pinto. Her long time crush, si Sebastian Mondragon ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Mondragon Group of Companies. Ang nag-iisang lalakeng nagpapatibok ng puso niya, at noon pa man ay patay na patay na siya dito. Nangangarap na balang araw, mapansin siya ng isang Sebastian Mondragon. Nakatukod ang isang kamay niya sa kanyang baba habang nakatulala sa papalapit na si Sebastian. "Sissy, hoy! Huwag ka na mangarap diyan! Ayusin mo yang sarili mo, bago ka magustuhan ng crush mo!" pasimpleng bulong sa kanya ni Marco. Bumalik ang ulirat ni Madison nang may biglang nagsalita mula sa likuran nila. "Look who's here, the piggy girl and the her weirdo friends! Hahahah.." sabay-sabay pa na nagtawanan ang lahat. "Hoy, Miss tipaklong ay este Cheanneli pala. Sumosobra kana hah! Akala mo naman kung sino kang maganda! Kung ganda rin lang Ang pag-uusapan may ilalaban itong sissy ko!" mataray na saad ni Alyana. "Saang banda ang maganda aber? Hahah.. Extra large yang kaibigan mo. Siguro extra large na naman ang mga inorder niyo ano? Ahahaha.." "Hoy Cheanneli, tumigil ka ah! Kami itong tahimik na kumakain dito. Tapos kayo na bagong dating akala mo kung sino? Maganda ka nga, masama naman ang ugali! Tse!" mataray na sabi ni Marco habang nakapilantik ang mga daliri nito. Hindi naman umimik si Madison at nakayuko na lamang din ito, dahil sa pamamahiya sa kanya ni Cheanneli. "Stop it Cheanneli! You're making a scene here! Let's go! I'm sorry guys!" Hinging paumanhin ni Sebastian, sabay hila nito kay Cheanneli palabas ng restaurant. "Sissy, nakita mo na? Kailan ka ba kasi makikinig sa amin, sa amin nila Tita? Please help yourself girl. Baguhin mo na yang lifestyle mo. Paano ka magugustuhan ni Sebastian niyan kung ganyan ka?" Knowing Sebastian Mondragon ay mahilig sa mga babaeng sexy, ung tipong super model ang dating. "Cheanneli is right, walang maganda sa akin sissy. Dahil isa akong dambuhala. Extra large, piggy girl, lumba-lumba. Lahat ng iyon ay totoo!" Garalgal ang boses na saad niya na parang kahit ano mang oras ay tutulo na ang kanyang mga luha. "Masakit ba? Sige iiyak mo lang yan sissy! Andito lang kami. Hinding hindi kami magsasawang pangaralan ka. Dahil alam ko, darating ang araw na makikinig ka rin sa amin." wika naman ni Alyana. Masakit man makarinig ng mga panlalait, pero kinakaya niya. Tama si Alyana at Marco kailangan niyang baguhin ang mga nakasanayan niya. Lalo na pagdating sa pagkain. Mabuti na lang at may mga kaibigan siyang mababait, sobrang mapagmahal at maaasahan sa lahat ng bagay. Lagi nilang ipinapaalala sa kanya kung ano ang mabuti at makakasama sa kanya. Kaya pati mga magulang niya ay thankful din sa pagkakaroon niya ng mga tapat na kaibigan. Siya si Madison Williams, galing sa isang mayamang pamilya. Anak ng mag-asawang sina Mr. Rafael Williams at Beatrice Williams. Kilala sa industrya ng negosyo ang kanilang pamilya. Mayroon silang sariling kumpanya, isang furniture business at sikat sa iba't ibang bansa ang kanilang mga furniture design's. At kagaya ng mga Mondragon ay may sarili din silang Textile Industry. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gustuhin, nakakain ang kahit ba anumang gustuhing pagkain. Kaya naman habang lumalaki ay patuloy naman sa paglobo ang kanyang katawan. Hindi siya maawat sa pagkain, food is life ika nga! Pero kahit ganon hindi nagsasawang pangaralan siya ng kanyang mga magulang at ng kanyang mga kaibigan. * * * Pagkabalik nila sa kanilang klase ay nagpatuloy parin ang pangungutya sa kanya. Narinig pa niya si Cheanneli habang nagbubulungan ang buong nitong grupo. "The piggy girl is back!" saad nila, pero hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin. Akmang lalapitan sila Marco, ng pigilan niya ito. "Hayaan mo na sila besty, para wala nang gulo. Baka mamaya niyan, lumaki pa ang gulo!" awat naman ni Madison sa kaibigan. Tahimik namang nakamasid lang sa kanila si Sebastian. Imbes na pansinin ang mga ito ay itinuon na lang niya buong atensyon niya sa buong klase. Kung utak lang din naman ang labanan, ay may ibubuga naman siya. Kulang man siya sa aspeto ng kagandahan, pero sobra-sobra naman ito sa aspeto pagdating sa katalinuhan. Iyan ang tanging bagay na pwede niyang ipagmalaki sa lahat. Ginagawa niya ang lahat para maging proud ang kanyang mga magulang. Hindi siya magpapatalo sa Cheanneli na iyon. Puro ganda lang kulang naman ang laman ng utak. Pagkatapos ng klase ay sabay- sabay na naman silang lumabas na magkakaibigan. "Wow! girl ikaw na talaga. Ang galing mo kanina. Sana all matalino." Ngumiti naman siya.pabalik sa mga kaibigan. "Sus! Mga kaibigan ko nga kayo. Mga sipsip!" sabay tawanan sila habang naghihintay ng kanilang mga sundo. Naunang dumating ang sundo ni Marco, sunod naman ang sundo ni Alyana. Naiwang mag-isa si Madison, nakaupo ito sa may waiting area ng may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali boses iyun ni Sebastian ang kanyang crush. "Wala pa ba ang sundo mo? Baka gusto mo sumabay ka na lang sa amin? Sa iisang village lang naman tayo nakatira, hindi ba?" alanganin siyang ngumiti. "Naku! Okay lang ako. Nagtext na iyong driver namin, malapit na daw siya. Na traffic lang." sagot naman nito kay Basty. "Sige, ikaw ang bahala Madi, ingat ka na lang!" "Ano kaya'ng nakain no'n, at bigla akong kinausap. May himala nga ba? " tanong pa ng isipan niya. Napapangiti na lamang siya, dahil kahit papaano ay napansin siya ng kanyang ultimate crush. Ewan ba niya, pero big deal ito sa kanya. Inaya lang naman siya na sumabay sa kanya. at labis-labis na ang tuwnag nadarama niya. "Ayyiee! Sa wakas napansin din niya ako!" panay ang sigaw ng isipan niya dahil sa matinding pagkakilig na nararamdaman niya. Kinikilig pa siya sa isiping iyon at masaya siyang umuwi ng may ngiti sa kanyang mga labi. Hanggang sa pagpasok sa kanyang kwatro ay si Sebastian parin ang laman ng isipan niya. Ang guwapong mukha ni Sebastian ang naiisip niya. "Call me crazy! Basta masaya ako, hihih!" saad pa ni isipan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook