"Anong balita sa Private Investigator na kinuha mo hon? May nalaman na ba siya?" Tanong ni Sandra sa asawang si Harold dahil hindi na siya makapaghintay pa. Gustong gusto na niyang makita si Madison. Sa loob ng limang taon ay hindi ito nawala sa isipan nila, miss na miss na niya ito. "Let's wait for our son honey, hayaan nating si Basty ang magbukas ng envelope na ito." "Sana nga may good news na, Harold I can't wait any longer nasaan naba kasi ang anak mo?" "Mom, I'm here!" sabay pa silang napalingon sa anak. Nasa isang VIP room sila ng isang restaurant dahil dito pinili ni Harold Mondragon na makipag-usap sa kanilang Private Investigator. "Open it son, please! I can't wait anymore." Kita sa mata ni Sebastian ang pag-aalala. Kinakabahan siya, sa kung anong pwede niyang makita sa l

