"Look Mom, Tito Enzo and Mommy La are here!" Patakbo namang lumapit sa kanila si JR at nagbigay galang sa mga ito. Niyakap naman siya ng mahigpit ng mga ito. "My apo, ang bait mo naman iho. Mukhang napalaki ka ng maayos ng Mommy mo hah! Ang bibong bata ng apo Madison!" "How are you little buddy?" "I'm good Tito Enzo, still cute and handsome like you!" "Asus, magaling mambola ang isang ito ah!" sabay gulo sa buhok nito. At sabay silang nagtawanan. "Shall we go Tito, I'm so tired na po kasi. And it's so hot!" Kanina pa niya napapansin ang pamumula ng balat ng kanyang anak. Dahil nasanay ito, sa malamig na klima. "Bakit ayaw niyo pang dumeretso sa bahay anak? Doon na lang kayo para naman makapag bonding kami ng apo ko.Excited pa naman ang Daddy mo na makita si JR." "Mmy, alam niyo n

