KABANATA 02

1532 Words
"Ha!" napabalikwas siya ng bangon at habol ang kanyang paghinga na para bang aatakihin siya sa puso anumang oras. Tagaktak ang pawis niya kahit malamig na malamig sa kwartong kinaroroonan niya. Ininda rin niya kahit pa nakaladlad ang hubad na dibdib dahil nahulog ang comforter sa katawan niya.Mariin siyang napapikit at kinalma ang sarili. Pakiramdam niya ay babaligtad ang sikmura niya sa sobrang tensyong bumabalot sa buong pagkatao niya. Pilit niyang binura sa alaala ang masamang panaginip na halos lumagot ng kanyang hininga. Ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang maikalma ang sarili. Nang bumalik na sa normal ang kanyang paghinga ay inilibot niya sa paligid ang paningin. Kinakabahang hinanap niya ang bulto ng taong kinatatakutan niyang makita ng mga oras na iyon. Ang amo niyang babae, si Krystel Reyes-Montellano, asawa ng kanyang kasiping kagabi. At nang hindi niya iyon makita ay muli siyang nagpakawala ng malalim na buntung hininga. Ligtas siya, sa ngayon. Iwinasiwas niya ang kanyang ulo upang pawiin ang antok at anumang agam agam na sumira ng kanyang tulog. Gumaan ang pakiramdam niya ng matantong panaginip lang ang lahat. Well, hindi lahat. Kalahati sa pangyayaring naganap ay katotohanan, at iyon ay ang pagtatalik nila. Patunay niyon ang kahubaran niya ng mga oras na iyon, pagal na katawan na para siyang tumakbo sa marathon at ang nangingirot niyang 'little girl'. Kinuha niya ang comforter at tinakpan ang nilalamig na niyang dibdib. Napalunok siya ng mapansin niya ang maraming lovemarks na iniwan doon ni Aidan. Napailing na lang siya. Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Gustuhin man niyang bumalik sa tulog pero sinira na iyon ng bangungot na iyon. Dahan dahan siyang bumangon at napangiwi ng maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Pangalawang beses pa lang nila ito ni Aidan at hindi pa siya gaanong sanay sa laki ng sandata nito. Napailing na lang siya ng sumagi sa isipan ang nangyari sa pagitan nila kagabi. Wild at intense kung susumahin. Tumayo siya at tinungo ang bathroom. Kailangan na niyang ayusin ang sarili para makapag check out na siya at makauwi bago pa matapos ang day off niya at bumalik sa mansion nito para magtrabaho. Nagtatrabaho siyang katulong sa mansion ni Aidan at halos limang buwan na rin siya sa mga ito. Sa simula pa lang, aminado na siya sa atraksiyong nararamdaman para sa among lalaki. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling dito? Kumbaga, ito ang katuparan ng mga pangarap ng bawat babae. Saksakan ng gwapo, yaman at bait nito. Nagkapalagayang loob sila ng amo, at ikinagulat niya na pareho lang pala sila ng nararamdaman. Sa simula ay nilabanan nila at iniwasan. Pero sa huli, hindi niya mawari kung anong nangyari at namalayan na lang niyang tinutugon na niya ang mapupusok at mainit nitong halik habang nakapatong sa lababo ng dirty kitchen. At nagkaroon sila ng deal ng amo. "f**k buddies" sila, tutugunan niya ang "pangangailangan" nito at tutugunan naman nito ang kanyang "financial crisis". At nangako silang "no strings attached" para protektahan din nila ang responsabilidad at obligasyon nila sa buhay. Sa totoo lang, ng amo lang naman niya, dahil wala naman siyang asawa o pamilya, at wala rin siyang nobyo. 'Ika nga ni Aidan ay swerteng swerte daw nito dahil wala daw itong kaagaw at kahati, solong solo lang daw siya nito na ginantihan lang niya ng ingos at kurot. Sa una'y ikinabahala niya ang deal na pinasok, paano kung maya't maya pala niyang kailangang tugunan ang pangangailangan nito? Kawawa siya, wala pa siyang asawa o nobyo pero gamit na gamit na siya nito. Pero napawi ang pangamba niya dahil natanto niyang f**k buddies man sila ay iniingatan pa rin nito ang reputasyon at kalagayan niya. Sa dalawang buwan nila sa relasyong ito ay dalawang beses pa lang silang nagtatalik. Pero sa tuwing nagtatalik naman sila ay napapalaban naman siya ng husto kay Aidan. Para bang sinusulit nito at binubusog ng husto ang sarili bago siya pakawalan. Katulad kahapon. Alas sais sila nag check in, sinimulan na siya nito pagkapasok, at tuluyan na siya nitong pinatulog mag aalas kwatro na ng umaga. Oo't nag eenjoy din siya, pero nakakapagod pa rin naman kahit paano, at hindi niya napipigilan ang sariling magreklamo na tinatawanan lang ni Aidan at binabawi pa sa palambing lambing nito. Napapailing na nangingiti na lamang siya. Tinapos na niya ang paliligo at lumabas na. Nag aayos siya sa harap ng salamin ng mapansin niya ang isang pulang rosas na nakapatong sa vanity table. Sa ilalim nito ay may maliit na note. Nakangiting kinuha niya iyon at binasa. "Good morning, my sweetheart. Call me when you wake up. Had to leave early 'coz of the board meeting. Aidan." Lumawak pa ang ngiti sa labi niya. Kinikilig siya sa simpleng bating natanggap sa lalaki kahit pa nasa papel lang iyon.Naalala niyang may binabanggit nga pala itong urgent meeting na dadaluhan nito ng alas otso ngayong araw. Tiningnan niya ang relo, nine thirty na, kaya malamang ay patapos na rin ang mga ito. Kinuha niya ang phone at dinial ang numero nito. "Hi," agad niyang bati ng sagutin na nito ang linya. "Hey, just woke up?" tanong nito. Hindi niya maiwasan ang pagbalot ng kilig at saya sa kanya ng marinig niya ang mababa at baritonong tinig nito. Lalaking lalaki ang dating at nakakapagpalpitate ng puso. Kinalma niya ang sarili bago pa man siya atakehin sa puso dahil sa kilig, at maayos na sinagot ang lalaki. "No. Nakaligo na ako at nakapag ayos na," mahinhing sagot niya. Kinuha niya ang rose at inamoy amoy habang kausap si Aidan. "So, did you rest well?" makagulugang tanong nito. "Oo naman. Maagang umalis 'yung halimaw, eh," kagat labing tugon niya. Napahalakhak ito sa sinabi niya at nakangiting pinakinggan niya ang tila musika sa pandinig na tawa nito. "So, naughty, sweetie. Humanda ka ulit sa akin mamaya," namimilyong banta nito sa kanya. "Oh no, please," mahinang sumamo niya na ikinatawa uli nito. "By the way, let's have dinner at eight oclock. I'll pick you up," palit nito ng topic. "Sure," bigla siyang napaisip. "Same routine, okay?" suheto niya. Same routine ibig sabihin ay magbibigay siya ng lugar kung saan siya pwedeng sunduin nito. Hindi kasi siya nito pwedeng sunduin sa bahay niya dahil sa status ng lalaki. Kailangan ay tago at sikreto. "Yes, sweetie, hold on," wika nito saka nawala sa kanya ang atensyon nito, bagama't naririnig pa naman niya ito, may kausap lang na iba. "I have to go. See you later," nagmamadaling tugon nito. "Okay, bye," paalam niya. "I love you, Zae," pabulong na habol nito sa kanya. Sumikdo ang puso niya sa gulat dahil sa sinabi nito. "H-hey," tila nablanko ang utak niya at hindi malaman ang isasagot. "I know, I know. Just let me. You don't have to answer," seryosong paliwanag nito. Napalunok siya at pilit sinisikil ang damdaming nagbabadyang umusbong. "O-okay, thank you?" alanganing sagot niya. Marahang tumawa ang nasa kabilang linya. "So be it. See you later, sweetie. Be safe," wika nito at ilang sandali pa ay pinutol na nito ang linya. Tulalang napahawak siya sa dibdib na parang gusto ng kumawala ng mga oras na iyo sa lakas at bilis ng t***k. Mariin siyang napapikit. Hindi. Hindi pwedeng mahulog ang puso niya kay Aidan. Siya lang ang masasaktan sa bandang huli dahil alam niyang kahit kailan ay hindi ito magiging kanya. Nakaw na sandali lang ang mayroon sa pagitan nila at pilit niyang kinukontento ang sarili doon. Mayroon nang pamilya si Aidan, at wala siyang planong agawin ito sa asawa't anak nito at manira ng pamilya. Tama na ang kahit papaano ay mayroong sila ni Aidan kahit pa nga f**k buddies lang sila. Hanggang doon lang iyon. Napabuntung hininga siya. Dapat nga ay pinipigilan na niya ang kahibangang ito habang maaga pa at wala pa siyang nararamdaman kundi init lang ng katawan. Napailing siya at napapikit. Bahala na. Nanamnamin na muna niya, ngayon lang kasi siya nakatagpo ng lalaking kayang punan ang pangangailangan niya bilang babae. Oo't masagwa, tatanggi pa ba siya kung abut abot hanggang langit ang ligaya niya sa tuwing nauuwi sila sa kama? Bata pa naman siya, bagaman iilang beses pa lang siyang nakikisalamuha sa lalaki ay wala pa siyang nakatagpong kayang makapagpawala ng katinuan niya. Kung tutuusin ay marami pa siyang makakatagpong lalaki na walang sabit at hindi niya ikakapahamak pero hindi pa niya kayang bumitaw sa karisma ni Aidan. Marahas siyang nagpakawala ng buntung hininga. Bahala na. Basta hanggang kama lang ang dapat niyang asahan kay Aidan at wala ng iba. Aalis na lang siya oras na maramdaman niyang nakakahalata na ang misis nito. Ayaw niyang masabunutan. Nangilabot siya ng sumagi sa alaala niya ang panaginip. At pilit iwinaglit iyon sa isipan. Sinamyo niya ang bulaklak at binusog ang mata at puso. Gusto man niyang dalhin iyon pero ayaw niyang mausyoso kapag nakitang may ganuon siya. Wala naman nakakaalam nang pinasok niyang sitwasyon at ang alam ng mga kakilala niya ay single pa siya. Ayaw rin niyang mag ipon ng mga remebrance or tokens tulad nito. Hindi siya pwedeng maattach emotionally sa lalaki. Matapos makuntento ay maingat niyang inilapag sa table ang rose. Kinuha ang bag at walang lingon likod na tinungo na niya ang pinto at lumabas na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD