"Zae!"
Napapitlag siya sa gulat habang nagtutuyo ng buhok ng biglang bumukas ang pinto ng condo at bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ng matalik na kaibigan.
Sa condo siya nito dumiretso matapos niyang ikutin ang kamaynilaan para masigurong walang nakasunod sa kanya. At ngayon nga ay kakatapos lang niyang maligo ulit.
"Yan," balik niya rito at napatakbo sa kaibigan. Agad siyang niyakap nito at hindi na niya napigilan ang pagkawala ng luhang kanina pa niya pinipigilan. Napahagulhol siya sa bisig ng kaibigan, hinagod nito ang likod niya habang marahang inaalo.
"I'ts okay, everything will be fine, Zae," alo nito. Lalo pa tuloy siyang napahagulhol dahil sa naramdamang pagdamay sa kanya ng nag iisang matalik na kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasan ang sariling magpasalamat sa maykapal ng mga sandaling iyon dahil minalas man siya sa ina ay pinalad naman siya sa kaibigang ito. Napayakap siya ng mahigpit dito at binuhos ang lahat nang sama ng loob, takot at pangambang naranasan sa maghapon. Nanatili lang itong nakayakap sa kanya at inaalo ang kanyang mabigat na pakiramdam. Nang mahimasmasan na siya sa pag iyak ay maingat siyang bumitaw dito.
"Ano ba'ng nangyari?" puno ng pag aalala ang tinig nito na nagsimula ng umungkat ng pangyayari. Iginiya siya nito sa kitchen counter at kumuha ng tissue saka baso ng tubig at iniabot sa kanya.
Ikinalma muna niya ang sarili. Pinunasan ang luha at pawis sa mukha, saka lumagok ng inom upang tanggalin ang bara sa lalamunan niya dala ng pag iyak niya kanina, at sinisinok na sinimulang ikuwento lahat ng kaganapan.
"That witch!" gigil na hiyaw nito ng matapos niya ang kuwento. "I just can't f*****g believe it, Zae! She is your mother, how can she do that to you?" puno ng hinagpis ang tinig nitong sumbat sa ina niya.
Mapait lang siyang napangiti habang nilalaro sa dalawang palad niya ang basong wala ng laman. Wala naman siyang maisagot sa tanong nito dahil hindi naman niya alam kung bakit. Isang malaking misteryo ang lahat pagdating sa ina. Wala siyang alam at wala siyang lakas ng loob na ungkatin iyon sa ina.
Marahas na nagpakawala ito ng hangin, tumayo at nagpalakad lakad sa harap niya. Napahalumbaba siya at tiningnan na lang ang kaibigang gigil na gigil sa pagparoot parito. Hindi niya rin ito masisisi kung ganuon talaga ang nararamdaman nito ng mga oras iyon. Bata pa lang sila ay magkakilala na sila. Dati niya itong kapitbahay noong kabataan pa niya at madalas niya itong kalaro sa tuwing makakatakas siya sa ina o kaya ay lasing ito at sa murang edad nilang dalawa ay hindi na lingid dito ang sakit at hirap na dinanas niya sa kamay ng ina. Ito na nga rin ang gumagamot ng mga sugat at pasang natatamo mula sa ina, at dinamayan siya nito sa madidilim na araw ng buhay niya. Nang magsampung taong gulang sila ay nagkaroon ng magandang trabaho ang mga magulang nito kaya lumipat ang mga ito at nagkahiwalay sila. Pero siguro gustong bumawi sa kanya ng langit dahil noong secondyear highschool siya ay nakakuha siya ng scholarship sa isang pribadong school at doon sila muling nagtagpo. Mula noon ay hindi na sila mapaghiwalay at ito na muli ang naging sandigan niya sa lahat ng pagsubok at sama ng loob na dinanas. Napabuntunghininga siya habang pinagmamasdan ang kaibigang mas tuliro pa keysa sa kanya dahil sa sitwasyong kinakaharap ng mga oras na iyon.
"Look. What if ipapulis natin ang intsik na iyon para tantanan ka na?" suhetsyon nito saka tumigil sa harap niya sabay hampas nito sa mesa ng maisip ang bright idea nito.
Hindi niya mapigilang mapatawa ng pagak ng marinig ang suheto nito.
"It's no use," komento niya.
"What? Why?" takang tanong nito. "It's the police we're talking about, national force sila so of course matutulungan ka nila," depensa pa nito sa ideyang naisip.
Marahas siyang nagpakawala ng hangin at napahilot sa sentidong kanina pa kumikirot dahil sa stress.
"It's exactly the reason why they're of no use, they're the police. They're Chua's dogs," paliwanag niya. Nanlalaking napatingin ito sa kanya dahil sa narinig.
"What do you mean, Zae?"
"Nagreport ako sa pulis back then, yes they accomodated my report, pero ang nangyari ay ibinigay lang naman nila ako kay Chua. Kung hindi ko sila natunugan sa plano nila malamang pinamumudmod na ako ng hayop na intsik na iyon sa mga customer niya," mahabang paliwanag niya kay Rhian.
Nanlulumong napaupo ito sa upuang kaharap niya.
"They almost caught you, what happened then?" hindi makapaniwalang usyuso nito.
"Siyempre tumakas ako. Wala akong balak na maging tagabigay ng aliw sa mga hayop na 'yun, noh. Kaya napunta ako sa Montellano, mas safe pala ang subdivision ng mga multi millionaire, apat na buwan na akong hindi ginagambala ng mga iyon, ngayon lang nung umuwi ako sa bahay," saka nagpakawala siya ng malalim na buntung hininga.
Walang wala sa hinagap niya na magagawa ng inang ipagkanulo siya sa intsik na iyon. Tinanggap pa naman niya ang offer ni Sir Aidan para lang masustentuhan ang bisyo nito pero hindi pa rin pala ito nakuntento. Muling nag init ang sulok ng kanyang mga mata ng maramdamang tila pinipiga ang puso niya sa sakit at pagdaramdam para sa ina.
Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigan. Hinagod hagod nito ang likod niya.
"Bakit hindi mo na lang pabayaan ang nanay mo, Zae?" mahinang sambit nito. "Alam kong masamang talikuran ang magulang, pero... kahit kailan naman ay hindi naman siya naging nanay sa iyo 'di ba? Tapos, ito pa, nagawa ka na niyang ipamigay sa isang demonyo ng walang pagdadalawang isip," payo pa nito sa kanya.
Muli siyang napabuntung hininga. Ilang beses na ba niyang ginawa iyon? Pero sa huli, umuuwi pa rin siya sa piling ng ina.
"Let's drink, Yan," aya niya sa kaibigan.
"Are you sure? Are you okay now?"
"I'm not okay, that's why I want to drink," malamlam ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi.
Napabuntung hininga si Rhian at hinaplos ang pisngi niya.
" I bet you really need it, best," tugon nito. "I'll go buy our drinks, and you stay here. Better be safe than sorry. Wait for me, okay?" hindi niya mapigilang matawa sa pinagsasabi nito.
"Okay, mommy," natatawang sagot niya rito na may halong biro.
Iningusan lang siya nito.
"Lock the door, baby," ganting biro naman nito. Pareho silang nagtawawanan sa kabaliwan nilang dalawa.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga ng lumabas na ng condo ang kaibigan para bumili.
Napaisip siya. Parang maaantala ang plano niyang pag reresign sa Montellano household kung ganitong mainit na ang paghahanap sa kanya ni Mr. Chua. Pero kung mananatili naman siya sa mansion ay baka naman tirahan na ng daga ang dibdib niya dahil sa takot at pangamba dahil sa namamagitan sa kanila ni Sir Aidan. Wala sa hinagap niyang maging mistress pero dahil gipit siya noon gawa ng ina ay pikitmata niyang tinanggap ang alok nito, at isa pa ay malakas din ang nararamdaman niyang atraksiyon para sa among lalaki. Kinakabahan na rin siya dahil nararamdaman na niyang lumalalim ang atraksiyon nila sa isa't isa. Bago pa mauwi sa hindi dapat ang feelings nila sa isa't isa, kailangan ay makapagpaalam na siya.
Pero ngayon ay tila kailangan niyang baguhin ang plano. Hindi siya pwedeng basta basta na lang umalis sa mansion dahil sa ngayon ay ito lang ang tanging kaligtasan niya. Ipinagtataka niya kung bakit sa lakas ng puwersa ni Mr. Chua ay hindi nito napapasok ang Wilson Park and Residences kung saan nakatirik ang Montellano Mansion. Ipagpapasalamat na lang niya iyon dahil kahit papaano ay may matutuluyan siyang ligtas na lugar. At siguro naman ay hindi siya pababayaan ni Sir Aidan.
Hindi niya maiwasang pamulahan ng pisngi ng maalala ang amo. Hindi man tama ang relasyon nila ay hindi naman siya nito pinababayaan, lagi na itong nakaalalay sa kanya. Hindi rin nito inaabuso ang relasyon nila kaya lalo tuloy siyang kinikilig at nahuhulog ang loob kapag kasama ito. Napatikhim siya at kinalma ang pusong parang agad na nabuhay ng maalala ang guwapong mukha ng lalaki.
Napapitlag siya ng tumunog ang cellphone. Agad niyang kinuha iyon at pakiramdam niya ay nagsisirko ang puso niya sa saya ng mabasa ang caller. Tumikhim siya bago sinagot ang tumatawag.
"Hi," sagot niya.
"Hello, sweetie," lalong dinagundong ng kaba ang dibib niya ng marinig ang baritono at gwapong boses nito. "How are you?"
"I-I'm okay," marahan siyang tumikhim at pilit kinalma ang sarili para maayos niya ang pakikipag usap dito. "It' s still early for our dinner," dagdag niya.
"Yes, about that, I might take longer than expected. Can we move our time?" tanong nito.
Naalala niyang inaya niya nga pala ang kaibigang uminom kaya agad siyang pumayag.
"Okay lang. Anong oras na lang ulit?"
"I'm not sure. But wait for me, okay?" wika nito sa kabilang linya.
"Yeah, of course, I will," agad na sagot niya.
"Good. Give me the address, I'll just pick you up once I'm done."
"Okay. Be safe," tugon uli niya.
"I love you, sweetie. I've missed you so much," humina ang boses nito at para pang namamaos habang binibitawan nito ang mga salitang iyon.
Napipi naman siya sa narinig. Hindi sa ayaw niyang sabihin nito iyon, hindi lang niya alam kung paanong sasagutin ang mga sinasabi nito. Napukaw siya ng pagtikhim nito.
"You still there, baby?"
"Y-Yeah, I-I'm here," kinakabahang sagot niya.
"Don't you missed me?"
"Huh? Yeah, I missed you, too," usal niya.
"Then be ready for later. It's supposed to be our day, you know, but we've already lost so much time," nahimigan niya ang kapilyuhan sa tinig nito sa kabila ng banta nito.
"It's not my fault! Hey," naaalarmang sagot niya. Oo't excited din siya sa mangyayari mamaya pero hindi pa rin niya mapigilang malula sa intense ng pangroromansa nito. Perks siguro ng pagiging married man kaya magaling pagdating sa kama.
Napuno ng malulutong nitong tawa ang linya, kaya lalo lamang siyang pinamulahan ng pisngi. Alam din kasi nito ang reaksiyon niya. At feeling niya ay lalo lang itong nag eenjoy sa nagiging reaksiyon niya.
"I hate you," hindi niya mapigilang maktol dito.
"Fine,fine," suko nito at itinigil ang pagtawa.
Pinakinggan niya lang ito.
"I'll just pick you up, okay? Wait for me, baby," bilin nito.
"Okay, bye," paalam na niya ng marinig na papasok na ang kaibigan.
"Bye," tugon din nito saka ilang saglit pa bago pinatay ang tawag.
"Who?" takang tanong ni Rhian habang papasok bitbit ang mga pinamili.
Napalunok siya at pasimpleng iniiwas ang tingin dito. Kinuha niya ang ibang bitbit nito at tinulungan ito.
"Just random guy," pinilit niyang ikalma ang sarili at magmukhang walang paki sa kausap sa telepono.
"Oh," nagpasalamat siya at hindi na ito nag usisa pa. Hindi pa siya handang ipaalam sa kaibigan ang pinasok na kalokohan.
Inaayos nila ang mga pinamili sa center table ng sala nito. Dalawang dosenang beer in cans, may dalawang Heiness pa, malalaking sitsirya bilang pulutan, may mani pa, at mayroon ding litsong manok at baboy. Daig pa nila ang nasa piyestahan sa dami ng dala nitong pulutan. Pumasok ito sa kitchen at paglabas ay may dala na itong maliit na black label, dalawang baso at ice bucket and tong. Ipinasok niya naman sa ref ang ibang yelo para hindi agad matunaw.
Naglagay si Rhian ng yelo sa dalawang baso saka nilagyan ng black label.
"Let's loose, Zae," nakangiting wika nito saka itinapat sa kanya ang baso nito, itinaas naman niya ang sariling inumin at pinagpingkis ang kanilang baso sabay lagok.