MIKE VINCENT POV
SUCCESSFUL IN MY FIRST MISSION
Halos sikat na ang araw ng umalis kami sa kabahayanan nila Aloha, isinabay narin namin silang mag-anak patungo sa bayan upang puntahan sa hospital si Inang Brenda .
Ibinalita na rin sa amin ni Aloha at sa kaniyang pamilya ang magandang balita na may taong handang tumulong sa pagpapaopera at pagpapagamot kay Inang Brenda.
Nagpanggap nalang ako na masaya sa mga nalaman, para hindi nila mahalata na ako ang nasa likod nito.
May mga nais pa akong gawin dito sa probinsya, kaya naman nagpaalam ako sa mahal kong Lolo na hindi muna ako makakauwi ng dalawa pang linggo ng minsan nakapag-usap kami nito.
Mag-aalas syete na ng makarating kami sa hospital, halos lahat ng mga staff at nurse, maging ang ibang mga doctor ay napapalingon sa gawi namin ng makapasok kami sa bungad palang ng hospital na ito.
"Diba, sina Tiger Venzor Aguilar at w-wait si Mike Vincent Altamonte yan diba?" Tili ng isang nurse sa dalawa pa nitong kasama. Nagtilian naman ang mga ito.
Napatingin naman sa gawi ko si Aloha, kaya naman para mawala ang mga tilian sa mga nakakakita sa amin kapag dumadaan kami, hinawakan ko sa kanang kamay si Aloha. Hanggang narating na namin ang room ng Ina nito kung saan naka-confine ito.
Nang makapasok na kami sa loob, kita ko ang pag-aalala sa mukha ng Ina nito
"Nandito kayo lahat, teka sino ang mga kasama ninyo mahal?" Kahit pa hirap sa pagsasalita ay nagawa niyang itanong at sabihin iyon sa kaniyang asawa.
"Ahhhh- mahal h'wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha! Siya si Mike Vincent Altamonte, nobyo ng anak nating dalaga, h'wag kang mag-aalala mahal binigay ko na sa kanila ang blessings ng pamilyang ito." Sabay turo nito sa akin kasunod ang pagpapakilala nito sa mga kaibigan ko sa huli.
Nilapag ko naman ang mga prutas sa side table nito, nabili namin into kanina sa nadaanan naming vendor ng mga prutas.
At bago maoperahan si Ina ay siya ring dating ng mga pagkain na inorder ko pa sa isang fast food chains restaurant.
Tapos na akong kumain at nasa tabi lamang ako ni Aloha ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang doctor, kasama nito ang dalawa niyang nurse.
"Mr. and Ms. Dela Torre it's time for our patient's need to undergo. We running out of time, we need to fix it before it's too late." Baling ng doctor kay Ama at sa huli ay kay Aloha nakatingin. So it's mean, talagang malala na ang lagay ng Ina ni Aloha.
Agad din naman akong napatango ng tumingin si Aloha sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay nito at pinisil.
"Do your best Doc, and make sure the patient's will be okay as soon as possible. Understand?" Maawtoridad kong singit dito.
"I will make sure of that Mr. Altamonte," Sabay binalingan nito ang dalawang nurse para iassets at ihanda ang pasyente sa paglipat nito sa O.R.
"Tapos ka na bang kumain Baby?" Tanong ko kay Aloha.
Napamaang at nailang naman ito sa klase ng endearment na tawag ko sa kaniya.
"Masasanay ka rin niyan kapag asawa na kita Aloha." Sabay ngiti ko sa kaniya.
Lalo naman itong namula buhat sa sinabi ko, kaya naman hinalikan ko nalang siya sa noo at binulungan.
"Napaka-cute mo kapag namumula ka ng husto Baby." Napaaray naman ako ng may biglang bumatok sa likod ko.
Nakita ko ang kaibigan kong nakangisi, si Tiger.
"Masyado kang nadadala ng emosyon mo Mr. Altamonte! masyado kang atat na atat kay Aloha ah!" Saad nitong may ngisi sa mga labi.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Kami lang apat ang naiwan dito sa kwarto dahil sumama ang kapatid at Ama ni Aloha sa paghatid kay Ina ng mga nurse sa operating room.
"Bro-please lang, hayaan mo muna kaming dalawang magsolo ni Aloha dito ngayon. Andiyan naman si Beatrice diba? Dun ka muna sa kaniya!" Pagtataboy ko sa kaibigan ko para umalis sa gilid namin.
"Grabe ka naman Buddy sa'kin ngayon! kaya mo na akong ipagtabuyan!" Kunyaring pagtatampo nito.
"Budds, hindi naman sa ganun! Bakit? Gusto mo bang marinig ang mga pag-uusapan namin ni Aloha ngayon? About wedding! My wedding and Aloha!" May diin ko pang salita sa kaniya.
"Oo naman Buddy, gusto kong kasama kami diyan ni Beatrice. Ano pang silbi namin kung hindi mo kami isama diyan." Pagpupumilit pa nito.
Kaya wala na akong nagawa ng tawagin niya si Beatrice sa sofang kinauupuan nito at paupuin sa tabi ni Aloha.
Tahimik lamang si Aloha, alam kong naguguluhan pa ito sa nangyayri lalo na't sa nalalapit naming kasal.
"H'wag kang mag-alala Aloha pagkatapos ng kasal natin di na kayo guguluhin ng sinoman, hindi ko na hahayaan na may gumulo ulit sa pamilya mo dahil titiyakin kong kapag ginawa nila iyon pagbabayaran nila iyon." Pag-aalo ko sa kaniya. Nakikinig lamang ang dalawa buhat sa mga salitang narinig sa akin.
"Ngunit,Vincent paano ko naman gagawin yun! kung wala akong kakayahang proteksyonan ang aking mga mahal sa buhay!" Saad nitong may pag-aalala sa boses.
"Gamitin mo ako Aloha para sa bagay na iyan. At gagamitin ko rin ang aking empluwensya upang ang lahat ng mga taong nang-aalipusta sa inyo ay tuluyan na kayong iiwasan at lalayuan." Pagpupursige kong saad sa kaniya.
"Ngunit V-vincent, a-andami ko ng utang sayo, p-pero ako, wala pa akong nagagawa sayo! Paano pa kita mababayaran niyan!" Malungkot niyang saad habang nakasalikop ang mga palad nito.
"Marry me Aloha, yun lang ang hiling ko sayo." Maikli pero seryoso kong bigkas sa kaniya.
"Kung yun lang ang tanging paraan para mabayaran ko ang lahat ng utang at nagawa mo sa pamilya ko, magpapakasal na ako sayo Vincent." Sang-ayon na nito sa sinasabi ko sa kaniya.
"Gusto ko mismo sa kaarawan mo tayo ikasal Aloha." Dagdag ko pa.
Napatango nalang ito sa aking sinabi.
Binalingan ko naman ang dalawa kong kaibigan na napatanga sa mga lumalabas sa bibig namin ni Aloha.
"Hey-seryoso na ba kayong dalawa diyan sa sinasabi niyo?" Tanong ni Tiger habang kumukunot ang mga noo nito.
"Ano sa tingin mo Tiger? Mukha ba akong nagbibiro?" Balik kong tanong naman sa kaniya.
"Sa tingin ko Bro, napakabilis mo naman ngayon?" Si Tiger na halatang di pa rin makapaniwala.
"Kung yun lamang ang tanging paraan para di na sila Aloha at ang pamilya niya balikan ng mga taong nanggigipit sa kanila, mas maganda ng sa araw mismo ng kaarawan niya ay ikakasal kaming dalawa Tiger. Kaya sana bago kayo pumunta ng kampo niyo tulungan niyo akong ihandle ang mga ito, at pagkatapos nito, luluwas na kami ng Maynila pabalik kasama si Aloha para makilala na siya ng aking Lolo." Mahabang sambit ko sa kaibigan ko.
Nakikinig lamang ang dalawang babaeng magkatabi sa upuan.
Napatango naman si Beatrice sa sinabi ko at tiningnan si Aloha.
"Ngayon palang Aloha, kinu-congrats na kita, dahil siguro naman mapapatino mo na ang isang lalaking tinaguriang Mr.Playboy of the Philippines." Saad ni Beatrice habang napapabungisngis pa.
Sinamaan ko lang ito ng tingin at tinaasan ng kilay.
Napatingin naman sa akin si Aloha at gayundin kay Tiger.
"H'wag kang maniniwala kay Babe Aloha ha! may pagka-daldal lang kasi ito. Pero hindi iyon totoo ang sinasabi niyang 'Playboy of the Philippines,' si Vincent. Babae ang lumalapit sa amin pero hindi kami-"
"So? sinasabi mo bang sinungaling ako Tiger?" Putol at asik ni Beatrice sa kaharap nitong lalaki sa mga sasabihin pa sana nito. Pinanglalakihan niya pa ito ng mga mata.
"Babe-hindi naman sa ganun!" Tanggi naman ni Tiger.
Napabuntong-hininga nalang si Aloha sa dalawang taong nagtatalo sa harapan niya.
"Wala naman problema kung mambabae siya ng mambabae eh." Biglang singit naman ni Aloha.
Bigla naman akong napasamid at tiningnan ko siya sa mga mata.
"Wala naman talaga kaming relasyon ni Vincent, at tsaka ikakasal lang kami at h-hindi involved dito ang mga damdamin namin sa isa't-isa. Tama ba ako Vincent?" Sabay tanong niya sa akin.
"Oo naman, tama si Aloha, Tiger and besides, hindi na ako mapipilit ni Lolo na magpakasal sa mga anak ng ka-shares ng kumpanya kapag may pinakilala na akong asawa sa kaniya." Sang-ayon ko naman kay Aloha sa sinasabi nito.
Ilang oras din namin pinagplanuhan ang tungkol sa darating na kasal, dito mismo ang kasal at ang venue naman ay sa bakuran ng mga Dela Torre. Sa simbahan mismo kami ikakasal ni Aloha dahil ito ang gusto ko.
At bago kami umalis na magkakaibigan, nagpaalam muna kaming tatlo sa pamilya ni Aloha.
Hinatid naman kami ni Aloha sa labas ng hospital kung saan malapit sa pinag-parkingan ko ng sasakyan.
"H'wag kang mag-alala sa mga gastusin about sa kasal natin Aloha. I can handle all of this, mamayang hapon babalik ulit kami dito para pormal na hingiin ko sa mga magulang mo ang iyong kamay para sa nalalapit nating pagpapakasal."
Sambit ko habang naglalakad kaming apat papunta sa sasakyan, nauna na ang dalawa sa amin.
"Salamat Vincent, kung hindi dahil sayo, baka ngayon wala na kaming matirhan na tahanan, kung hindi pa kayo dumating kaninang madaling araw, baka ngayon nasa kalye na kami pupulutin." Saad nito sa malamlam na boses.
"I will fix of that Aloha, don't worry. Sa ngayon isipin mo muna ang pamilya mo, Okay?" Alo ko sa kaniya.
Hinawakan ko naman siya sa baba at hinalikan sa noo bago ako nagpaalam sa kaniya upang tunguhin na ang dalawang taong naghihintay sa akin.
"We'll be right back later Aloha." Paalam ko ng makapasok na sa loob ng kotse.
Tumabi naman si Aloha at marahang kumaway sa aming tatlo.
"Ingat sa pagmamaneho." Saad nito habang unti-unting ng naglalakad papasok ng hospital.