ALOHA POV
THE NEW BEGINNING OF MY LIFE AS MRS. ALTAMONTE
Ilang oras pa kaming naghintay bago lumabas ang doctor na nag-opera kay Ina, kasama nito ang isang nurse, may naiwan pang dalawang nurse sa tabi ni Ina. Pagbukas palang ng pintuan at paglabas ng doctor at nurse ay agad namin silang sinalubong.
"Kumusta na po ang lagay ng Ina doc?" Yun lang ang nagawa kong itanong sa doctor.
"Actually, Ms. Dela Torre , successful naman ang operation ng inyong Ina, wala naman kaming nakitaan na complications sa lahat ng vitals organ nito, malakas si Mrs. Dela Torre ano ho! And sa ngayon po talaga kailangan niya lang po ngayon ng mahabang pahinga. May mga gamot na po kaming ibibigay sa inyo, hindi niyo na kailangan bilhin pa mga ito dahil sinagot na po ng taong tumulong sa inyo." Mahabang salaysay ng doctor sa aming tatlo. Nakikinig lamang kaming tatlo sa mga paalala pa ng doctor sa lahat ng bilin nito.
"At mamaya po ililipat na po si Mrs. Dela Torre sa recovery room." Dagdag pa nito.
"Eh, doc! magigising din po ba mamaya si Ina?" tanong ko sa doctor na akmang aalis na sana. Bumaling naman agad ito sa harapan ko at sinagot ang tanong ko sa kaniya.
"Maaaring magigising na siya mamaya kapag nawalan na ng bisa ang gamot na itinurok namin sa kaniya kanina, sa ngayon kailangan ni Mrs. Dela Torre ng pahinga para hindi siya magkableeding sa sugat niya."
Napatango nalang ako buhat sa mga narinig ko sa doctor.
"Wala ka na bang itatanong Ms. Dela Torre?" Tanong nito.
"Wala na ho doc. Salamat po ng marami." Pagpapakumbaba kong pasasalamat sa kaniya.
"Bueno, kung wala na, maaari na akong umalis, at marami pang pasyenteng naghihintay sa akin." Pagpapaalam nito. Tinanguan ko nalang ang doctor at saka ito umalis sa harapan namin nila Ama.
Sa ngayon, napapaisip parin ako kung sasabihin ko na ba sa aking Ama at kapatid ang mga pinag-uusapan namin ni Vincent kanina sa room ang tungkol sa nalalapit naming pagpapakasal. Medyo nakaramdam kasi ako ng kaba sa aking dibdib kung tama ba ang desisyon kong magpakasal kay Vincent ng ganitong kaaga para sa aking edad at ganito pa ang kalagayan ng aking Ina.
Wala naman akong pagpipilian sa ngayon, dahil ito lamang ang nakikita kong paraan para tuluyan na kaming tigilan ng mga taong gusto kaming gipitin sa buhay. Nais ko rin iligtas ang aking pamilya buhat sa mga malulupit na kamay ng aking Tiya Rhoyahh, sa lahat ng mga panggigipit at panggugulo nito sa amin.
Napabuntong-hininga nalang ako ng magpasyang lapitan ang aking Ama sa pwesto nito. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang kaniyang mga kamay, katabi niya naman si Jarehh.
"Ama, may sasabihin po ako sa inyo ngayon." Diretso kong panimula.
"Ano ang iyong sasabihin 'nak?" Malumanay ngunit bakas parin na malungkot ang aking Ama.
Napatingin naman sa gawi namin si Jarehh, halatang nais din malaman ang sasabihin ko.
"Ama, paano po kung bigla akong pakasalan ni Vincent? Papayagan niyo po ba ako na mag-asawa na?" Biglaang tanong ko sa aking Ama.
Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot, ngunit panandalian lamang iyon.
"Kung siya ang nararapat para sayo anak, maaaring papayag na ako para magpakasal ka. Hindi mo na kailangan pang magsakrispisyo para sa pamilyang ito anak, matagal mo na itong ginawa sa amin para lamang hindi tayo gipitin lalo ng taong pinagkakautangan natin. Kami na nga ang nahihiya sa iyo anak, kasi dapat hindi ka nagtatrabaho ngayon e, nag-aaral ka dapat ngayon. Sayang ang mga matataas mong mga marka kung hindi mo ito magagamit sa kolehiyo. Sayang talaga." Kita kong may bumalong sa mga mata ni Ama na luha.
Di ko rin mapigilang mapaiyak sa mga narinig kay Ama.
Napayakap naman ako sa kaniya habang humihikbi.
"Alam mo Ama, gagawin ko ang lahat para sa inyo, kahit sarili kong buhay kaya kong isakripisyo, h'wag lamang kayong mapahamak. Bakit kasi ang lupit ng mundo sa atin Ama!" humihikbi kong salita habang nakasubsob ang aking mukha sa dibdib ng aking Ama
"Hindi malupit ang mundo sa atin anak, sadyang may mga tao lang talaga na sakim at ganid sa kapangyarihan kaya sila nakakagawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa." Paliwanag sa akin ni Ama.
"Pero Ama, hindi po talaga ako nagbibiro saiyo ngayon!" Patuloy ko pang salita habang di ako maampat sa kaiiyak.
"Saan? Sa pagpapakasal kay Mr. Altamonte?" Natumbok nitong tanong ni Ama.
Napatango nalang ako.
"Walang basehan para ipagdamot kita sa unang lalaking minahal mo anak." Napamulat naman ako ng mga mata buhat sa narinig.
"Mas maganda na ngang magpakasal kayo agad ng boyfriend mo para hindi ka na mapilit pang magtrabaho sa mansyon ng tiyahin mo. Alam kong sobrang yaman ng iyong boyfriend, kilala siya sa loob at labas ng bansa anak. Hindi lang milyonaryo kundi isang bilyonaryo ang mapapangasawa mo, at kapag nagkataon na asawa mo na siya, sino pa ang magtatangkang lalait sa iyo o mang-aalipusta? Wala na anak, dahil si Mr. Altamonte ay kilala sa mundo ng business na isang beast. Kaya niyang pabagsakin ang isang kumpanya sa isang kumpas lang ng kaniyang mga kamay. Kaya hindi na ako magtataka kung sa isang iglap lang, lahat ng pinaghirapan ng kapatid ko at ng kamag-anak niya ay bigla nalang naglaho." Napabuntong-hininga pang saad ni Ama sa akin habang hinahaplos niya ang aking mga buhok.
"Hindi sa binibigay na kita sa Altamonteng yun, pero ito lang ang nakikita kong paraan para hindi ka na pag-initan pa ng iyong Tiya Rhoyahh. Masyado ka niyang pinag-iinitan ngayon 'nak, di ko narin alam kung anong klase pang pagpuprotekta ang kaya kong gawin sa inyong magkakapatid. Kung pwede nga lang na ibalik ko kayo sa loob ng tiyan ng inyong Ina ay ginawa ko na, makita lang namin na safe kayong magkapatid. Kayo nalang magkapatid ang meron kami ng inyong Ina mga anak. Kaya sana kahit wala kami sa tabi ninyo, ay kaya niyong lumaban para sa sarili niyo. H'wag niyo na akong tularan magkapatid." Dagdag pa ni Ama,
"Kung may balak na pala kayong magpakasal ng iyong nobyo anak, ay wala naman sa aming problema." Napanguso naman agad ako sa mga sinabi ni Ama sa akin.
'Boyfriend? ni minsan di ko pa naranasan yun Ama, kung alam niyo lang po talaga ang rason ko kung bakit magpapakasal ako sa lalaking yun kahit di ko naman boyfriend. Baka di rin kayo papayag kapag nalaman mong di ko talaga boyfriend si Vincent.' Protesta ng kaisipan ko buhat sa narinig ko kay Ama na tinawag niyang nobyo ko si Vincent.
Gumaan na ang pakiramdam namin ng makitang nilalabas na sa OR si Ina, wala parin itong malay. Dinala nila ito sa room na pinag-alisan namin kanina.
Agad din kaming pumasok sa loob ng room. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng akin Ina, di ko lubos maisip na magkakasakit siya ng ganito. Dahil sa sobrang sipag nila Ama para maitaguyod kaming magkapatid, ito ang naging kapalit ng kaniyang pagsusumikap para sa amin.
"Babawi ako saiyo Ina, kaya bilisan mo na ang iyong paggaling dito at uuwi na tayo sa bahay natin." Napapangiti kong salita habang hawak ko sa kanang kamay ang aking Ina. Sina Ama at Jarehh naman ay lumabas upang bumili ng aming pananghalian.
Unti-unti naman akong nakaramdam ng pagbigat ng talukap sa aking mga mata, dahilan para maipikit ito at lamunin ng malalim sa pagtulog.
Nagising na lamang ako ng may mga kamay na humahaplos sa aking mukha. Nabungaran ko ang mga mata nitong kulay abo, matangos na ilong, pababa sa labi nitong may manipis na mamula-mula. Agad ko naman napagtanto na hindi ako nananaginip dahil masuyo niya akong hinalikan sa noo.
"Hey Baby! wake up!" Tinig sa kabilang tainga ko. Napaungol naman ako, ipipikit ko pa sana ulit ang aking mga mata ng hinalikan muli ako nito, hindi na sa noo kundi sa ilong ko na.
Kaya bigla nalang ako napadiretso ng upo at binalingan ang nakangising lalaki sa tabi ko.
"K-kanina ka pa ba diyan?" Kumukurap-kurap pa ang mga mata ko habang tinatanong ito.
"Hmp, hindi naman. Kararating lang namin tatlo dito." Habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Ina, sinipat din ng tingin nito ang mga nakasaksak sa braso ni Ina, bago ako ulit nito binalingan.
"So, ipinaalam mo na pala kay Ama ang tungkol sa kasal natin next week Baby?" Tono nito sa malambing na boses. May kung ano namang pumasok sa kaibuturan ng puso ko sa paraan ng pananalita nito.
"Hmp-oo e! Baka kasi mahirapan kang iplease si Ama kaya tinulungan na kita sa kaniya." Medyo naaasiwa pa akong napapatingin sa mga mata niya. Di rin nakaligtas ang pamumula ng mga pisngi ko sa paghalik ulit nito sa noo ko at ganun din sa ilong.
Mabuti na lamang, at busy ang mga kasamahan namin sa table. Kumakain sila.
"Bakit ba panay ang halik mo sa akin Vincent?" Di na ako nakatiis na itanong iyon sa kaniya.
"Masama bang halikan ang magiging asawa ko na?" May ngisi sa mga labi nito habang sinasagot ang tanong ko.
"H-hindi naman pero nakakahiya naman sa may makakita. Ano nalang ang sasabihin ng mga yan? Lalo na ng mga kaibigan mo?" Sabay irap ko sa kaniya. Napapanguso pa ako habang iniiwasan ang mga mata nitong nakatitig na naman sa akin.
"Don't do that again Aloha, baka di na ko makapagpigil at hindi lang sa noo at ilong kita mahalikan." Nakangiti pa nitong saad habang hindi inaalis ang mga titig sa akin.
"W-what do you mean?" Asik kong tanong sa kaniya habang pinaniningkitan ko pa siya ng mga mata.
"Wala, sa kasal na natin tsaka ko ibibigay ang unang halik mo." Sabay tayo nito at nagmamadaling pumunta sa apat.
Napatanga naman ako buhat sa kaniyang sinabi.
Habang iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Vincent, bigla namang gumalaw ang kanang kamay ni Ina na kanina ko pa hawak.
"Ina?" Natataranta kong salita habang hawak-hawak sa kanang kamay si Ina.
"Ina, naririnig niyo ho ba ako?" Pagpapatuloy ko pa.
Nagsipagpuntahan narin sa amin ni Ina ang apat na nasa table kanina.
"What happened Aloha?" Alo naman sa akin ni Vincent.
"Si Ina, gumagalaw na ang kaniyang kamay at-at baka magigising na siya ngayon!" Sagot ko sa tanong niya ng may panginginig na boses.
Matapos marinig ni Vincent ang paliwanag ko may pinindot ito sa isang gilid.
Maya-maya lamang may humahangos na doctor na lumalapit sa amin sa kinaroroonan ni Ina.
Agad niyang chineck ang mga mata ni Ina.
"Wait niyo lang ho ang ilang minuto at magigising na po ang pasyente, wala naman po akong nakikitang naging anomalya sa kaniyang katawan." Paliwang sa amin ng doctor. Sinuri niya pa ulit ito, bago siya nagpaalam.
Ilang araw pa kaming naglagi sa hospital, hanggang sa tuluyan na kaming na discharge.
Medyo nakakalakad na kahit papano si Ina.
Gamit ang kotse ni Vincent isinakay namin si ina dito,kasunod si Jarehh, napagitnaan nila si Ina. Ako naman ay nasa tabi ni Vincent, samantalang ang dalawa naman, si Beatrice at Tiger ay sa ducati nakasakay.
Si Tiger na ang nagmaneho at si Beatrice ang back rider nito.
Ilang araw na lang at kaarawan ko na. Wala na ring problema sa darating naming kasal ni Vincent, dahil siya mismo ang nag-ayos nito. Naibigay na rin ang mga invitations sa mga malalapit kong kaibigan, gayundin sa mga kumpare at kamare ni Ama at Ina. Kaya wala na kaming masyadong alalahanin pa.
Hinihintay nalang talaga namin ang pagdating ng kaarawan ko at dun magsisimula ang lahat sa amin Vincent. Wala na rin namang problema kay Ina, masaya pa nga siya para sa akin dahil hindi na ko makukulit pang kuhanin ni Tiya Rhoyahh para magtrabaho sa mansyon nito.
HANGGANG SA DUMATING ANG ARAW NG PINAKAHIHINTAY NAMING LAHAT.
Ang kasal namin dalawa ni Vincent.
"Wala na talagang atrasan to bro!" Dinig kong usal ni Tiger sa kaibigan nito.
Nasa kabilang kwarto sila at kami naman sa kwarto ko, abala si Beatrice sa paglalagay ng make up sa mukha ko.
"Ang ganda-ganda mo talaga Aloha, ewan ko nalang kung hindi mo pa mapaibig ang mokong na yun sa simple mong kagandahan." Hanga nitong saad habang inaayos na ang mahaba kong buhok.Tinirintas niya ito ng paikot at tsaka nilagyan ng hairpin ang gilid nito sa taas at baba.
"Wow! your so amazing Aloha! ang ganda mo." Di mapigilang mapangiti sa mga labi nito si Beatrice.
"Ikaw rin naman,maganda ka Bea." Hanga ko rin na saad sa kaniya, siya ang aking maid of honor at si Tiger naman ang best man.
Ilang minuto pa ang lumipas ng kailangan na naming lumabas ng kwarto.
Nauna na sa simbahan sina Vincent sumunod na rin doon sina Ama at Ina pati ang kapatid ko, Kami nalang ni Bea ang naiwan dito.
Agad din namang sinundo si Beatrice, at ngayon ako nalang ang naiwan dito sa loob ng bahay, may mga tao naman sa labas ng bahay upang may mag-assest sa mga bisitang bagong dating
Maya-maya tinawag na ako ng driver at ng ilang tao sa labas ng bahay dahil ako na ang huling susunduin ng driver patungo ng simbahan.
Kinakabahan, pinagpapawisan at may sayang nadarama, sapagkat dito na matutuldukan ang paghihirap ng aking pamilya, sisiguruhin kong hindi na sila masasaktan at mamatahin ng ibang tao. Ibibigay ko sa pamilya ko ang buhay na tahimik, yung hindi kailangang kutyain at matahin ng ibang taong.
Bumukas na ang pintuan ng simbahan hudyat na ako na ang maglalakad patungo sa harap ng altar, patungo sa lalaking naghihintay sa akin, patungo sa lalaking pag-aalayan ko ng aking sarili, pag-aalayan ng aking I do, ng aking buhay, sa kabila ng hindi namin mahal ang isa't-isa. Titig na titig siya sa aking mga mata, gayundin naman ako sa kaniya, sandali akong napahinto sa paglalakad ng maramdaman ang aking mga magulang sa aking tabi. Agad akong nag-abresyete sa braso ng aking Ama, samantalang si Ina naman ang humawak sa aking braso.
Ramdam na ramdam ko ang paglakas ng kabog sa aking dibdib habang palapit ng palapit sa lalaking naghihintay, katabi niya ang kaniyang bestfriend na si Tiger.
At di nagtagal huminto na kami sa harapan mismo ng mga ito, agad nagmano sa Vincent sa aking mga magulang at tsaka ako binalingan.
Ibinigay na ni Ama ang aking mga kamay kay Vincent at bago umalis sa tabi namin ang mga ito may sinabi pa ang aking Ama kay Vincent.
"Ingatan mo Hijo ang nag-iisa kong anak na babae, dahil sila lamang magkapatid ang meron kami ng aking asawa." Saad ng aking Ama bago hinawakan ang aking Ina. Napayakap naman muna ako sa kanilang dalawa bago man lang sila makaalis sa harapan ko.
"Mahal na mahal ko kayo Ama at Ina."
Pinipigilan ko ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata ng bigkasin ko iyon sa aking mga magulang.
"Happy birthday Aloha,
Shall we? Kanina pa naghihintay ang pari sa atin." Bulong ni Vincent sa punong tenga ko.
Nangilabot naman ako sa paggawad niya sa akin ng ganun.
Kahit pa nakasuot ako ng belo ay ramdam ko ang mainit nitong hininga na dumampi sa balat ko.
"And now, may I announced you for the sacred of testament from the Above,
Groom, you may now kiss the bride." Isang nakakabinging palakpakan at hiyawan ang naririnig ko buhat sa aming likuran ni Vincent.
Agad naman akong hinapit sa baywang ni Vincent at marahang itinataas ang belo na suot-suot ko sa ulo.
"Finally! your lips is mine!" Saad nito habang may mga ngiti sa labi.
Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marahan niyang inilapit ang kaniyang mga labi sa labi ko. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan ko nalang ang aking sarili na magpatangay sa kaniyang maiinit na halik.
Sigawan at malakas na palakpakan naman ang naririnig namin ni Vincent sa aming naging saksi sa aming pag-iisang dibdib.