Coming back

1744 Words
Chapter 22 "Seryoso ka ba?" Nanlalaki ang mga mata ng katrabaho ng sabihin ko iyon. "Uy! Seryoso ka?" "Cille, hindi ako magbibiro tungkol diyan" simangot ko. "Huh? Teka—paano? E diba nga sabi mo taga maynila iyon? Paano iyon nakarating dito?" "Exactly what i'm thinking. Bago kami umalis ay sinigurado naming wala kaming napagsabihan." I heaved a deep sigh. Ramdam ko ang pagtitig ng katabi sa akin. She then tapped me lightly on the shoulder. "So anong plano mong gawin ngayon?" Napabuntong hininga ako. I opened my mouth para magsalita na sana ng mamataan ko ang senior namin na paparating, she was looking straight at me while walking, brows furrowed. Narinig ko ang bahagyang pagsinghap ng kaibigan sa aking likuran at magkasabay kaming tumalikod. Aakmang aalis na kami ng maramdaman ko ang kamay sa aking balikat. Napapikit ako sabay kagat ng labi. "Dizon" "Ma'am..." humarap ako sabay ngiting inosente. "Good morning po" "Late ka na naman." Iritado niyang sabi. Her maroon over lined lips thinned and thin-shaved eyebrows rose. "Actually kanina pa po ako dito. Hinahanap nga po kita e" pagsisinungaling ko. But the intimidating head just raised a brow. "Oh really? And why didn't you report to me? Naka miss ka na naman ng tatlong rounds" halukipkip niya. "At mukhang busy ka atang makipagchikahan kay Ms. juzon. Diba dapat nasa E.R ka?" Nilingon niya ang kaibigan sa likuran at nakarinig ako ng mabilis na yabag na naglalakad paalis. Napangiwi ako. "Sorry po" "You're not doing your job right Ms Dizon. Konting-konti na lang ay irereport na kita kay chief. Ipapabawas ko sa sweldo mo ang kada late mo. Wag mo kong testingin. " "W-wag naman po" agaran kong sabi. "Pasensya na po. Hindi ko kasi maiwan-iwan 'yong baby ko sa bahay" "Well that's not my problem now, is it?" She rolled her eyes. May inabot siya saking chart na kaagad ko namang tinanggap. Tumalikod na siya. "Teka lang ma'am! Saan po ako naka assign ngayong araw?" Nilingon niya ako. "Sutures" Masama ang mukha habang nire ready ko ang mga kakailanganin para sa pagremove ng suture ng pasyente. I've been mumbling for the rest of the day ever since i've been assigned to do suture removal. I don't know, i just don't like this kind of work, i rather be assigned in a prep surgery patient than this. This is just...not so exciting. Especially if my patient are men. Like this man right here whom i'm attending to. The man just won't stop eyeing me, my every move which made me a little conscious. Ang tahi ay nasa may bandang gilid ng tiyan niya. And unlike any other patient who would mostly be nervous while removing their stitches, ang lalaking ito ay halos mapunit na ang labi sa kakangisi sa tuwing dumadapo ang kamay ko sa tiyan niya. He looks like a maniac, makes me want to get the work done in a haste. I've encountered a lot of them actually, some even would try to touch my hand. At kung hindi ko lang kailangan ang trabahong 'to ay baka naambahan ko na sila ng suntok, the one that would add to their need of sutures. Like men...really...with their advances! "Alam mo bang nakuha ko itong sugat na ito dahil sa saksak?" I silently rolled my eyes. I wanted to, pero imbes ay nginitian ko siya..ng pilit. Kuya, hindi ako nagtanong. "Talaga kuya? Bakit? Anong nangyari?" I faked curiosity. "Talaga ba? Kuya talaga? Ms...Jason na lang. Mukhang magka edad lang naman tayo e" Tinaas ko ang tingin sa kaniya and i saw how he looked at me, like the 'i'm-gonna-ask-this-girl-for-her-digits-because-i'm-confident-of-my-looks' look. I grunted. Sinadya kong diinan ang paglagay ng bandage sa kaniyang sugat tsaka tumayo na. "Okay ms jason. Tapos ka na. Aalis na ako" Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at lumipat sa kabilang kama na kailangan din ng sutures. I immediately closed the curtains bago pa niya mabuka ulit ang bibig niya. "So balik tayo sa topic natin kanina, ano na ang plano mong gawin ngayon?" Nandito na kami ngayon sa cafeteria ng ospital, sa wakas ay lunch break na din pagkatapos ng nakakapagod at nakakangalay na pinagawa sa akin ng mainitin na head namin. "Sa totoo lang cille, hindi ko talaga alam" "Naisip mo bang lumipat na naman ng matitirahan? Pwede iyon. 'Yong mas malayo. At least kapag pumunta siya sa inyo ay hindi niya na kayo madatnan" "Mas mahihirapan siguro ako, iiwan ko ang trabaho ko dito at maghahanap ulit ako? Hindi ako dali-daling makahanap sa lilipatan namin cille. Tsaka wala akong mapag-iwanan kay emie" Tumango-tango siya na tila nag aagree. "E diba may bahay kayo sa maynila?" Kumunot ang noo ko bago sumagot. "Oo" "E kung bumalik kaya muna kayo doon? Hindi pa naman nabebenta iyon diba? Sabi mo" "Oo. Tama ka. Hindi pa nabebenta iyon, nakalimutan na ng mamatay ang...mamatay ang mommy" unti-unting lumiit ang boses ko. Napalunok ng maalala na naman ang mukha ng mommy. "Pero Hindi na kami babalik doon cille, ano naman ang gagawin namin doon?" "You left the house years ago ash, meaning, it was unoccupied and people may think that it was for sale o di kaya napabayaan na ng mga may-ari. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka 'yon din ang iniisip ng tom na 'yon? Na kahit kailan ay hindi na kayo babalik doon dahil naibenta niyo na?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "What exactly are you trying to imply cille?" "What i'm trying to say mommy ash is...bakit hindi muna kayo bumalik doon? Sa bahay na 'yon? Kahit pansamantala lang? Let that tom's mind get berserk when he founds out na wala na kayo dito." I frowned, "i don't think that's a good logic. Kung saka-sakaling madatnan niya kami na wala dito, i think the first place he will come checking is that house. Dahil 'yon na lang din naman ang natirang ari-arian namin e." Saglit siyang napatulala na tila iniisip din kung mali nga ba ang sinabi niya. "Ah basta! Why don't you just give it a try? Malay mo, baka mag work. At hindi naman kayo doon titira e, pansamantala lang, hanggang sa umalis na dito 'yong tom" "I'll think about it...maybe" "Okay" aniya. "Teka—wala ka bang mga kaibigan doon na pwede niyong matirahan kahit pansamantala lang? I'm sure meron, sa'kin dito kasi hindi ko magawang mag offer dahil alam mo naman, maliit lang din ang apartment ko, magsisikan lang tayo doon" "Ano ka ba! Okay lang! Tsaka...oo, meron akong kaibigan doon" "Oh! Ayan naman pala e! Edi sa kanila na lang kayo muna!" I just looked at her and smiled lightly. If she only knew how difficult that is. Contacting nissy and tori after so long, after i left them without a proper goodbye nor a word. Hindi iyon gawain ng mabuting kaibigan. I'm sure they hate me now. And i would come out as thick-faced if i show up and ask for their help after the wrong things i did. It would be too much to ask. Hanggang sa nakauwi ako ay 'yon pa din ang iniisip ko. Ang sinabi ni cille. I admit, that wasn't that bad, and the only option i have as for the moment. But who am i kidding! Wala na akong panahon na mag-isip pa ng ibang options! Kuya tom may know our location already at naghahanap na lang ng tamang timing para puntahan kami dito. I have no time left! I may seem so courageous and confident dahil pumasok pa ako ng trabaho pagkatapos ng nangyari kahapon but the fact is...i'm so nervous! About his next move! I have to think this through...with a haste! Dahil baka isang segundo lang..poof! Just like that, makuha niya na si emie sa akin ng hindi ko man lang namamalayan. And it would be a disaster once he finds out that his beloved is not here in this very world to explain herself. Explain...of course, nakalimutan ko na hindi pala buong buhay namin ay palagi na lang kaming magtatago, na hindi kami mahahanap, i was too confident, now where did that get me!? I got too carried away by the responsibility that i tend to forgot na ako pa pala ang magi-explain sa lahat ng kga taong makakaalam at makakahanap sa amin. Wala ng ibang makaka explain kundi ako na lang. I sighed. Dagdag na naman sa poproblemahin ko ito. Nang makapasok sa bahay, my tiredness seem to drift away when i saw my baby in the carpet, playing with her toys. Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ay kaagad siyang bumaling sa akin. And she showed me her wide toothy smile. Wala sa sarili din akong napangiti ng malapad. Binuhat ko siya mula sa sahig and kissed her countless times on her cheeks, almost squishing her making her giggle loudly, i smelled her sweet baby scent that made me calm from my thoughts. "Magandang gabi po ate" ani chelly sa magalang na boses. I smiled at her and said likewise. Naupo na ako sa sofa sa sobrang pagod. "Chelly?" Tawag ko. Naghahanda na siya ngayon para umalis. "May tanong ako" "Ano po 'yon ate?" "May nagtangkang pumasok ba dito habang wala ako?" Nakitaan ko ng kaunting kunot ang kaniyang noo. "Wala naman po. Bakit po? May ine expect po ba kayong bisita?" That seemed to calm me. Mabuti naman. "Wala naman. Basta chelly, kapag may naghanap sa akin wag mong papasukin huh? O di kaya isarado mo ang mga bintana at pintuan" Mukha namang nabahala ang dalaga sa sinabi ko. "Don't worry chell. Wala akong ninakawa. Sinisigurado ko lang na safe si emie. Alam mo naman ang panahon ngayon" ani ko. Tumango naman siya na parang naniwala sa palusot ko. "Siya nga pala" may kinuha ako galing sa bag at binigay ang nakatuping envelope sa kaniya. "Sweldo mo. At kasama na diyanb ang para sa susunod ng linggo" Nanlaki ang mata pero tinanggap pa din naman niya. "Po? E di ba ate sa susunod na araw pa ang sweldo ko?" "Okay na 'yan. Tsaka siguro wala na din kami dito sa susunod na araw. Hindi mo na kailangang bantayan si emie. Bigay ko na ang the rest sayo" "Po? Saan po kayo pupunta?" Nilingon ko ng ilang segundo si emie na ngayon at bumalik na doon sa kaniyang nilalaro. I looked at her concerned for a moment before returning my gaze at chelly and slightly smiled. "Aalis na muna kami pansamantala. Babalik kaming maynila"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD