Familiar faces

2239 Words
Chapter 23 "Say goodbye to your mama now emie" sabi ko sa anak. She stared at me innocently for a couple of seconds, tinuro ko ang puntod ng kapatid at doon pa lang siya tumango. After she bid her goodbye, i said mine. Lumuhod ako sa may damuhan. "Ayokong iwan ka dito ate pero kailangan muna naming umalis ni emie. Kuya tom, your...ex... is just around the corner, at hindi ko hihintayin na makuha niya si emie, katulad ng pangakong binitawan ko sa'yo. Poprotektahan ko siya. And that's the promise i'm willing to stand." i whispered. Tumayo na ako pagkatapos no'n. Hindi kami pwedeng tumagal dito. I held emie's hand. "Bye bye mama!" She waved bubbly, lumingon pa talaga siya. Napangiti ako at naglakad na papunta sa taxi na nirentahan namin, nandoon na din lahat ng gamit namin. Nang makarating sa airport ay kaagad din kaming nag board sa eroplano. Emie looked happy because of all the people na nakikita niya, she was all smiles at sobrang likot ng mga mata niya. And since this was her first flight, it was all natural for emie to feel frantic when the plane took off. Sobrang diin ng kapit niya sa akin and she tried to sit in my lap pero dahil naka take off at kailangan ng seat belt ay hindi niya magawa, which made her teary eyed and almost resulted to a loud cry on the whole plane which could've annoyed some passengers. It wasn't much of a long hour of flight dahil medyo malapit lang din ang iloilo sa maynila. Pag announce ng piloto na pwede na nakarating na kami at pwede na kaming tumayo ay nahirapan pa ako sa bagahe dahil hawak-hawak ko si emie at ayaw kong bitawan dahil baka magtatakbo. Mabuti na lang ay may tumulong sa amin na attendant. She walked with us hanggang sa makarating kami sa arrival area. Pagkatapos pasalamatan ay isinikay ko na lang din ang excited na anak sa baggage cart paharap sa akin. I wheeled the cart at luminga-linga. I smiled when i realized that i was finally home, but the smile was mixed up with hesitations and concern. Pero ngayon pa ba ako magba back out? Ngayong nakarating na kami dito? I never really thought of this. I never thought of the possibility bago ako nagpasyang umuwi dito. This was manila. This was home. And home means...him. He is here too. But of course i'm not a hundred percent sure kung nandito pa nga ba siya. For all i know he may not be here anymore. He may be traveling abroad. Or he maybe enhancing his career. Almost three years have passed. He already took over his father's place. For all i know big shot na doktor na siya ngayon. For all i know...baka may bagong girlfriend na siya. Aside from encountering him here, i'm also concerned that i would also bump in to him with another woman held on his arm. 'Yon ang kaisipang mas kinakatakutan ko. I was pulled off from my deep thoughts when a small pair of hands touched my cheeks. Doon ko pa lang namalayan na nakatigil pala kami. "Sorry baby" i chuckled at nagsimula na ulit itulak ang cart. "Mmmy?" She mumbled her words again. "Hmm?" "Emie hungry?" "Gutom na ang baby?" Tumango siya. "Okay, kakain tayo" Tumango siya ulit tsaka may tinuro. "Ice cream?" Turo niya doon sa may bandang gilid na may stall ng ice cream. "No, no ice cream baby. You need to eat real food." Hindi pa din kasi nakapag lunch. She pouted at tinuro ang kaniyang kulay pink na baby backpack na may disensyong pusa. "Please? Emie Mmm...drink water after? Promise?" Napatawa na lang ako sa ka cutean ng anak, "okay. Drink lots of water after okay?" "Okay" Bumuntong hininga ako at tinulak na ang cart papunta sa may bilihan ng ice cream. "Satisfied?" I asked when the cone of ice cream was already on her hands. I let her hold it dahil nalagyan ko din naman siya ng bib. She didn't said anything, busy licking the ice cream and just gave me a nod saying 'mamaya-ka-na-mommy-i'm-eating-my-icecream' Hinayaan ko na lang siya at tinulak na lang ang cart sa linya ng mga nakaparadang taxi. Nakausap ko na ang driver at sinabi ko na sa kaniya ang address ng lumang bahay namin, he was already loading our baggages on the trunk, medyo madami-dami kasi iyon dahil medyo marami ang gamit ni emie. Mas marami pa kesa sa akin. Hindi pa din nakapasok sa sasakyan ay wala sa sarili akong napalingon sa exit ng airport, sa arriving area. Dahil siguro nakita kong mostly na mga tao doon ay nakatingin din sa grupo ng magkakaibigan na alam kong kakarating lang din galing sa bakasyon, i can tell by their beach attires. People looked at them like as if they were high respectable people. Like some sorts of celebrities. But i'm sure they aren't...celebrities. The group are mixed with men and women, steamy attractive men and gorgeous women. Pagtingin mo pa lang ay makikita mo ng may kaya talaga sila sa buhay. Sa tingin ko nga ay nakita ko na sila...somewhere. Not that i remember of. Wala sa sariling napadako ang tingin ko sa dalawang babae na deretso lang sa paglalakad. Hindi ko alam kung naramdaman ba nila na nakatingin ako sa kanila dahil bigla silang napatingin sa banda namin, doon ko pa lang natanto na medyo pamilyar nga sila. It's like i saw them somewhere. Hindi ko lang talaga matandaan. Did i forgot to mention the two look seemingly alike? Like twins? Yep! Their twins. Their skin were slightly red, maybe because of too much sun exposure while on the beach but i can tell that they were really white before the vacation. Hindi ako sigurado pero mukhang nakita kong nanlaki ang mata ng dalawa ng tumingin sa banda ko. Their familiar chinky eyes widen as they were gaping at me. Kung sa akin ba talaga. Baka nagiging assumera lang ako. Nagkatinginan pa sila na tila kinukumpirma ang bawat isa kung parehas sila ng nakita. I shook the thought off at hinarap na ang anak na puno na ng ice cream ang mukha. I wiped her face with her bib at kinarga na siya papasok ng sasakyan. "Ma'am?" Inquired the driver if we were all settled. "Alis na po tayo manong" "Sige po" Then off we go. Buong byahe ay laman ng isip ko ang kambal na sobra talagang pamilyar sa akin. I really have this feeling like i've known them before, i just can't put my finger on it. Like they reminded me of someone pero hindi ko din maalala. Habang nasa biyahe ay panay pa din ang kain ng anak. So even though i already wiped her face, i have to do it again. Her bib was already messy so was her dress. I groaned silently at kinuha na ang kaniyang maliit na backpack kung saan ay doon ko nilalagay ang mga gamit niya katulad ng baby bottle, lalagyan ng gatas at baby wipes. "Emie? Nasaan ang wipes mo? Bakit wala dito?" I asked nang hindi mahanap ang wipes. Liningon ko siya ang she was already forming a peace sign with her fingers wrapped in rocky road drip. Napangiwi ako. "I'm sorry, i forgot. You're two. Sorry" She innocently nodded and continue on what she was doing. Malapit isang oras din kaming nagbabyahe dahil sobrang traffic. Nang makarating ay agad kong binayaran si mamang driver. Nang maibaba lahat ng mga maleta ay kinarga ko si emie ulit at tinitigan ang kabuoan ng bahay. Mixed emotions started to seep through me. Happiness, dahil nakabalik din kami dito sa wakas, dahil simula nung umalis kami ay hindi ko na naisip na babalik pa talaga kami. Pain, flicker of pain dahil hindi ko na imagine na babalik nga kami pero mag-isa na lang, hindi kasama ang ate. Fear, longing, concern, overwhelmed, lahat na lang. I didn't even know kung hanggang kailan kami tatagal dito. Maybe a week or two? O di kaya mas matagal pa? I simply do not know. We came here to hide, and that is exactly we're gonna do. Ang itatagal namin dito ay depende sa kung kailan tatawag si chelly, siya ang pinakiusapan kong magmamasid doon sa bahay namin, she will report to me on when, how many times kuya tom attempted to go there at kung kailan siya tumigil pumunta, and when that happens, then we're free to go back. I unlocked the door and emie started to run inside nang ibaba ko siya. Ako naman ay kinuha ang mga gamit namin para ipasok sa loob. I breathed out nang mapasok ang huling maleta. "Emie, stop running please" malumanay kong sabi sa bulilit na nagtatakbo. Mabuti naman ay tumigil naman siya. I looked around and i can say, it looked like we never left. Gano'n pa din ang ayos ng mga furnitures, ng mga picture frame, ang lunang kurtina na alam kong maalikabok na ay gano'n pa din ang ayos. Mukhang marami akong likinisan ah? Dahan-dahan akong Naglakad papunta sa dining area, humarap sa dingding kung saan ay nandoon lahat ng mga picture frame namin na nakasabit. I felt my chest tighten as i saw and start to reminisce each moment on each frame. Nakatulala ako doon saglit habang tinitigan ang litrato naming tatlo ni mommy at ate. When suddenly i felt someone tugging my jeans. I smiled. It was emie. Kinarga ko siya at pinaharap sa mga picture frame na tinitigan ko. Hindi naman siya naglikot. Then she started to point on a certain picture. "Mama?" Aniya na kinatingin ko sa kaniya. Napangiti ako ng mapait. She was right, she figured out that it was her mama. It was ate dianne's graduation photo who she was pointing to. "Yes baby, mama...mama dianne" "Mama dianne?" She repeated, eyes innocent. "Uhuh. She's pretty isn't she?" "Like emie?" Turo niya sa sarili niya. I smiled. "Yes..like emie" Inakyat ko na sa taas ang mga gamit, sa kwarto ko. I decided na isang kwarto na lang ang ookupahan namin ni emie. Magkatabi na lang kami. Good thing the room was not all dusty. Pinalitan ko muna ang mga bedsheet at nagpasyang bukas ko na lang ayusin ang mga gamit namin dahil bukas ko na lang din lilinisan ang buong bahay. Baka magkasipon pa si emie sa sobrang alikabok ng buong bahay. Kinabukasan ay tinupad ko nga ang sinabi kong paglilinis. And emie was just in the living room, playing with her toys while i was doing all the work. I thought it was all okay when she started to sneeze. I have to stop on what i was doing at kahit ayaw at nahihiya ay nagpasya akong pumunta sa kabilang bahay. While walking and holding emie on the other hand, i was sikently praying na sana ang ka close na kaibigan pa din ng ina ang kapit bahay namin. I knocked at the door at laking tuwa ko na si tita annie pa din ang nakatira doon, siya ang bumukas ng pinto. Napangiti ito ng malapad ng makita ako. Kaya kahit sobrang pawis ako ay nagawa ko pa siyang yakapin. "Ash! Ikaw pala 'yan! Mas naging maganda ka kumpara sa huli tayong nagkita ah!" She flattered. Tumawa naman ako. "Tita naman. Nambola pa" "Kailan lang kayo dumating?" "Kahapon lang po" "Eh Ang ate mo? Asan?" Luminga-linga siya, I just looked away and fake laughed. "Nasa iloilo po. Hindi na sumama dahil may trabaho" "Huh! Bakit naman? Aysus! Ang batang yon talaga oo! Eh yong mommy mo ganon din ba?" "Opo" "Ah! Edi—" bumaba ang tingin nito sa batang hawak-hawak ko sa kamay. "Oh! Kaninong—kaninong anak 'to ash?" "Akin po" i stated without hesitation. Nanlaki ang mga mata niya na tila hindi pa makapaniwala. "Oh! May anak ka na pala? Kailan lang?" "Magtu two years old na po siya" "Ah... ang cute cute naman niya" ngiti nito. I scratched the back of my head awkwardly. "Tita. Baka naman po pwedeng pa favor?" "Oo naman! Ano 'yon ash?" "Kung hindi ka po busy, Baka naman po pwedeng pakibantayan, naglilinis kasi ako ng bahay. Pero kung may ginagawa ka po, okay la—" "Hindi! Wala akong ginagawa. Ano ka ba! Sa'kin ka pa nahiya" tawa niya. "Mga laruan niya ba 'yan? Akin na" Inabot ko na sa kaniya ang mallit na bag ni emie na puno ng laruan. "Hindi naman po siya maiyakin. Malikot nga lang. Kaya pag pasensyahan niyo na. Kung may problema o umiyak tawagan niyo lang po" "Oo naman. Walang problema. Kayang-kaya ko 'yan. E ako ang tumutulong magbantay sa inyo ng ate mo noon kapag nagtatrabaho ang mommy mo" tawa niya at kinuha na si emie na hindi nga umiyak pero clueless na tumingin sa akin. 'Yon pa ang isang problema ko. Kailangan kong maghanap ng trabaho, kung papalarin ay nurse pa din, marami namang ospital dito, kahit nga sa health center lang dahil hindi din naman kami magtatagal dito. Kailangan ko talaga ng trabaho dahil paubos na din ang perang binilin ng ate. Kailangan ko din palang maghanap ng yaya ni emie dahil walanb magbabantay sa kaniya kapag magtrabaho na ako. I kneeled in front of emie at sinabing doon na muna siya sa kay tita annie. Salamat naman at pinanganak atang maintindihin ang anak kaya tumango na lang din. Habang ako ay Bumalik na sa bahay at nagsimula na namang maglinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD