Problems

2140 Words
Chapter 17 "Titigil na muna si astrid sa pag-aaral" rinig kong sabi ng ina na unti-unting nagpaguho ng mundo ko. She said it like it wasn't a big deal. That doesn't matter anymore. My feelings aren't valid. There are more important things. We have to ensure my sister's health. I won't hold back, i won't be selfish. "My!" "Uunahin natin ang pang-ospital mo dianne!" "Hindi pwede! Hindi titigil ang kapatid ko sa pag-aaral! Sinabi ko naman na diba? Ako na ang bahala. Hindi niya kailangang tumigil! Wala siyang alam! Hindi niya responsibilidad ang—" "Naririnig mo ba ang sinasabi mo dianne! Hindi niya ikamamatay ang pagtigil! Kailangang may magsakripisyo dito! At hindi ikaw 'yon! Isa o dalawang taon pagkatapos mong manganak, pwede naman siyang bumalik e!" I took a deep breath before i got out of my spot. I can't handle the yelling anymore. "Ate...tama si mommy. I think it's best if i drop out of school" i looked at them at mukha pa silang gulat na narinig ko lahat ang pinag-aawayan nila. My mother didn't said anything and just looked at me. I slightly smiled at her. "Bunso..." "Okay lang talaga ate. What we need to prioritize first is you and the baby inside your womb" "Ilang buwan na lang, gagraduate ka na. Ang sayang lang ash. Hindi mo kailangang isakripisyo ang magiging career mo para sa akin" "I already did. Remember?" I gave her a slight smile. Naawa niya naman ako tinitigan pabalik. "Hindi pa din ako sang-ayon dito" "So it's settled then?" Ani ng mommy. "Yes...my" ani ko. "Good. Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." bumaling siya sa kapatid. "We will find you a doctor dianne. Have you talked to tom about this?" Hindi nagsalita ang kapatid at nakatitig lang sa akin. Tumango siya. "Okay. But don't ever think na hindi ako galit sa pagtatago mo ng kalagayan mong ito sa akin. We'll talk..." saglit siyang tumingin sa akin. "In private" Why talk in private my? Am i not part of this family? Wala ba akong karapatang makinig sa sasabihin ninyo?, I wanted to ask but decided to just keep it to myself...again. I nodded understandingly bago umakyat na sa taas. I shut the door behind me, at doon na lang tuluyang tumulo ang luhang pilit kong pinipigilan kanina pa. I let out a hurtful sob, trying to contain it by placing my hand on my mouth. Ilang minuto pa, the muttering from outside stops. Another minute passed, may kumatok sa aking pintuan. My sister entered. Kaagad akong bahagyang tumalikod para punasan ang ilong at pisngi. "Ash...i'm sorry" she just stand there near the door habang nakatungo. "Ate..i'm fine. Really" "Ash...you need to understand that I didn't expect this to happen. And you also need to understand that i can't just go with abortion. This baby is not just an accident, it's a miracle i'm willing to keep. At pagpasensyahan mo ang ate for being selfish—" "You are not selfish ate. You were just in love" i whispered understandingly. "Believe me, hindi ko alam na hahantong sa ganito" "I understand" i smiled. She looked at me straight in the eyes for a minute before placing a hand on my cheek. "You don't need to hold back" she whispered made me lose control of my own tears. Nagsilaglagan ulit sila and i sobbed so loudly that i'm afraid i would pass out. "Ash..." I gripped her hand tightly, like i'm afraid to let go. "Nag-aalala a-ako para s-sa'yo" pumiyok pa ang boses ko. She was also in the verge of crying. "You don't need to. Matapang ang ate mo, nakalimutan mo na ba?" "H-hindi k-ko kakayanin a-ate...k-kapag iniwan mo 'ko!" i sobbed more. She caressed my cheeks in a soothing way. "What makes you think na iiwan kita?" Umiling siya. "Hinding-hindi kita iiwan" malumanay niya sabi. "M-may sakit k-ka..." "Kakayanin ko ash...para sa inyo. May pangako tayo sa isa't-isa diba?" Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa tiyan niya. Ilang minuto pa ay pinaharap niya ako sa kaniya, Cupping both my cheeks. "Listen to ash. Hindi ka titigil sa pag-aaral. Okay?" "Ate, it's fine. Sinabi na din ni mommy..." tumigil na din ako sa wakas sa pag-iiyak pero bahagyang paos pa ang boses ko. Umiling siya. Finality was evident on her eyes. "Hindi. Hindi ka titigil. Gagawan ko ng paraan. Pangako 'yan bunso" aniya. Tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita. "Ilang weeks na siya?" I stared at her tummy once again. Hindi pa gaanong malaki. Kaya siguro hindi din namin nalaman. "Six weeks" Tumango ako. "Does kuya tom knows?" Natigilan siya saglit tsaka Umiling. Umawang ang labi ko. "Ano? Hindi mo pinaalam?" Nginitian niya lang ako sabay iling. Tumayo na siya and messed my hair a bit. "Saan ka pupunta?" "To rest" aniya. "Sasamahan na kita" aakmang tatayo na din ako pero pinigilan niya ako. "Hindi na. Kaya ko na. Magpahinga ka na rin" "Inumin mo yung gamot mo" bilin ko. She nodded. "I will." It's been days since we knew about my sister's pregnancy. At hindi pa din ako makapaniwala. Good thing exam just ended, meaning we have a short vacation break. My head is still in turmoil, i can't bring myself to open up to anyone nor talk. Kaya siguro okay na din na walang pasok. Kahit kay oliver nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi, lalo na't hindi pa din kami tuluyang magkaayos. I barely even reply to his waves of messages. Ilang araw din akong lutang. I was still in between to open up to anyone dahil hindi din ako sigurado kung gusto nga ba ng ate na may makaalam ng sitwasyon niya. Fifth day of my phone ringing non stop because of oliver, tinitigan ko lang ulit iyon at hindi sinagot. Just like a cycle, after a call, a message was sent, after that, tawag naman. I groaned, slightly irritated by it, so when i was about to answer the phone ay narinig ko ang malakas na sigaw ng ina mula sa labas kasabay ng pagkabasag ng kung ano. My heart raced as soon as i arrived downstairs, with the sight of my sister lying on the floor, pale as paper. Ang una kong dinapuan ng tingin ay ang gitna ng hita niya. Thankfully, there wasn't any signs of blood. "Astrid! Anong tinatayo mo diyan! Kunin mo ang susi ng kotse!" Sigaw ng ina na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "I had contact with your daughter's cardiologist Mrs. Dizon. He will be here shortly now to monitor her" ani ng doctor. Hindi pa din ako mapakali at panay ang linga. I wasn't thinking straight earlier, i was the one who drove the car and it so happens na sa sobrang kaba at taranta ko ay hindi na ako nakapag-isip ng maayos at dito ko pa dinala ang kapatid ko sa hospital nila oliver. "Would it affect her kung ililipat siya namin ng ospital ngayon?" Agad napabaling ang doctor at ang ina sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo astrid?" Kunot noo ng ina. Bahagya pa akong kinurot sa gilid. "Kasi mommy...mahal dito. Baka malaki ang babayaran natin" palusot na bulong ko. Bukod sa ayaw kong may makakaalam ng pagbubuntis ng ate, kahit na malaki itong ospital na ito, malaki pa rin ang posibilidad na magkikita kami ni oliver dito..magkikita sila ni mommy. Dagdag problema iyon. "Don't mind her doc. She's just mental" ani ng ina na kinasimangot ko. "Astrid. Bilhan mo nga ang kapatid mo ng gamit doon sa may pharmacy." Agad akong napaayos ng upo ng marinig ang sinabi ng ina. "Po?" "Sabi ko...bilhan mo ng gamot" "I...uhm.." paano kung magkasalubong kami doon ni oliver? s**t! "Uy astrid! Nakikinig ka ba? Naririnig mo ba ang sinabi ko?" "Opo" Sinamaan niya ako ng tingin habang inaabot sa akin ang reseta tsaka pera. "Bumalik ka kaagad ah?" Naku mommy...ni lumabas nga sa kwartong 'to e ayaw ko e! "Tsaka pakitingnan na din kung nandoon na ang pinapatawag na Ob-gyne. Kanina pa 'yon e, hindi pa din dumadating" she murmured. "Magpa assist ka na lang sa mga nurses diyan kung nasaan ang opisina niya" I gulped silently. "Okay po" Napagpasyahan kong mauna na muna sa pharmacy. Pagkatapos kong bumili ng gamot ng ate ay doon pa lang ako nagtanong-tanong sa mga nurses doon kung nasaan ang opisina ng nirecomenda na Ob-Gyne para sa kapatid. Kumatok ako sa isang pintuan. Ilang segundo pa ay doon ko pa lang natanto ang sign sa harapan na nakasabing 'the doctor is out' Great! I've been fully cautious while walking in the hallways. Nakababa ang ulo habang naglakakad at pakiramdam ko ay nagsayang lang ako ng nerbyos dahil wala naman pala ang doktor dito! Just when i was about to continue walking, napatingin ako sa hallway, mukhang pamilyar iyon. Ilang minuto ko din iyon tiningnan lang at halos mapasinghap ako ng matantong ito 'yong mismong floor, hallway kung saan palaging nagra rounds si oliver! Dito malapit ang O.R! "Oh s**t!" Mabilis na akong naglakad paalis doon. Nakatungo. "Ash?" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses na tumatawag. "Astrid?...baby?" Nanlaki ang mga mata ko pero hindi na ako lumingon pa at nagtatakbo na paalis doon. Shit! When i arrived at my sister's room ay nagtataka pa ang ina dahil hinihingal ako. "Anong nangyari sayo?" Tanong ng ate. Gising na pala siya. Umiling lang ako. At umupo sa tabi. "Yong phone mo. Icheck mo. Ang ingay. Kanina pa nagri-ring" ani ng ina na halos magpaputla sa akin. "B-binuksan niyo po ba?" Kinunuotan niya ako ng noo. "Bakit ko naman bubuksan?" Napabuntong hininga naman ako habang ang ate ay natatawang nakatingin sa akin. I grabbed my phone and opened it. At doon ko pa lang nakita na ang sobrang dami nga ng missed calls. There was also a text. From: Boyfriend :What were you doing outside Dr. Sanchez's office? An Ob-Gyne's office? Oliver texted me to meet him in the cafeteria. Na sinang-ayunan ko naman. I have to explain myself since nakita nga niya na nga ako ng tuluyan, para hindi na din siya magduda. I was nervous on my way there. Siguro dahil ito din ang unang beses na mag-uusap kami pagkatapos ng ilang araw na hindi ko pagpansin sa kaniya. Nasa may entrance siya ng cafeteria naghihintay kaya malayo pa lang ako ay nakita niya na ako. He didn't wait any longer at naglakad na papunta sa akin. I was expecting him to be angry at me. Throw endless questions but what he did is something I didn't expect he would do. He hugged me. Hugged me tightly sa gitna pa mismo na kung saan ay maraming makakita. "I missed you...so damn much" he whispered. Hindi ko alam kung bakit pero basta na lang ako naging emosyonal. I just began to sob as my chest tighten. Maybe it's because he was the first person to embrace me, i find comfort with after the unexpected revelation from my sister. Wala din akong makapitan, wala din akong mapagsabihan, and with him, with him i can only express my true emotions with. Naramadaman ko siyang natigilan. But after a minute, he began to caress my back in comfort. "What's wrong? Hmm? Is there any reason why my baby is so emotional?" Umiling lang ako sa dibdib niya. Sigurado akong basang-basa na ng luha ang robe niya. "Come on, tell me. Hindi mo kailangang magtago sa'kin" he whispered. "Are you frustrated of me still?" Umiling ulit ako. Sniffing. Nag-aalala ako para sa kapatid ko. I wanted to say. "Ano 'yon?" Inangat ko na ang tingin ko. "I just missed you" i smiled in force. "Really?" "Uhuh" "Yan ba talaga ang rason kung bakit ka umiiyak?" Tumango ako. "I can't t-think of any reasons but t-that" "Okay. So are you gonna tell me what you're doing here? Outside of an Ob-Gyne's door?" Malumanay niyang sabi. Pinupunasan ang luha ko. "As i've said...I came to see you." Umiwas ako ng tingin. "Okay. Did you have fun at nissy's?" Tumango ako. "I...i did" tumingin ako sa paligid. "K-kailangan ko na sigurong umalis. M-may trabaho ka pa" "Sige. Ihahatid na kita" "W-wag na! Wag na...kaya ko na." Kita ko sa gilid ng mata ko ang taka sa kaniyang mukha. Hindi pa din ako makatingin sa kaniya ng deretso, if i do, baka mabuko lang ako, i'm not that good at lying when it comes to him. Nagtataka may tumango na lang din. Siguro ayaw ding mag-away kami ulit. I smiled lightly. "S-sige na...aalis na ako" i tiptoed to plant him a kiss on the cheeks. Aakmang tatalikod na ako nang bigla niya akong hilahin ulit paharap sa kaniya. Next thing i know, magkalapat na ang labi namin na siyang kinalaki ng mga mata. There are lot of people watching! "Astrid?" At halos malagutan ako ng hininga ng marinig ang boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD