Present

1888 Words
Chapter 8 "Hoy astrid!" Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan na humampas sa akin sa balikat. "Isa pang ganiyan mo victoria sasama ka sa'kin" pangbabanta ko. Nakita ko sa gilid ng mata ang bahagyang pagsulyap niya kay nissy. Nagtatanong ang mga mata. "Nag-away" bulong ng isa pero narinig ko pa din. "Ahh..." tinapik ko paalis ang kamay ni tori na tumatapik sa akin sa balikat. "Okay lang 'yan. Kulang lang yan sa bayo" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Maya't-maya ay napailing na lang. Hindi siya si victoria claire kung hindi siya ganiyan ka bulgar. Narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni nissy. "Ilang araw na ba?" "Apat" "Hindi mo ba tinawagan?" Umiling ako. "E siya ba? Tinawagan ka?" Mas lalo akong napasimangot. "Hindi din" bumuntong hininga ako. "Sabi ko kasi sa kaniya na magkita na lang kami kung nakapagpahinga na siya at hindi na siya galit" "Aww...kawawa ka naman pala" sabat ni tori. "Kung ako sa'yo. Ibe break ko 'yan" Napaigik siya ng bahagya siyang hinampas ni nissy sa braso para sawayin. "Bakit? Ganiyan ba ginagawa mo sa mga boyfriend mo?" Tanong ni nissy sa kaniya. "Oo naman. Dahil ang ayoko sa lahat ay ang sobrang drama" "Sige nga. Panong drama?" "Like palagi nilang sinasabi na iiwan ko daw sila. Kasi ganon naman lahat. Halos lahat sila. Araw-araw iyon ang sinasabi. They would breakdown a lot. Pucha! Mga sad boy!" Napatawa na din ako. "O tapos? Anong nangyari?" "Edi pinagbigyan ko na, iniwan ko na talaga." "Ang salbahe mo!" Saway ni nissy pero natatawa din naman. "Bakit ba? E prediction nila 'yon e. Edi tinupad ko!" Umiling lang ako at hinayaan na silang dalawa na magbangayan doon. Sakay ng jeep pauwi, from time to time ay tumitingin ako sa aking phone. And i would end up sighing deeply at the end. Walang text o tawag. O edi wag...bahala siya sa buhay niya. At bigla 'kong naalala ang sinabi ko kay nissy. Mature pala dapat tayo. Mature dapat ash.. AND MATURE WOMEN DON'T NAG! just because her boyfriend didn't just started a quarrel with her but also, he forgot something so important! No...we don't f*****g nag! We..are..calm..C.A.L f*****g CALM. Nang makababa sa gate ng subdivision ay tumataas-baba pa din ang aking dibdib. Trying to forget the thought as possible. This will not ruin my day. Marami pa akong tatapusing final PTs. At kung iisipin ko ang nakakainis niyang mukha ng buong gabi ay wala akong matatapos! Patay ako sa mommy ko! Medyo malayo pa ang lalakarin ko hanggang sa makarating ako sa bahay. I was looking down the whole time. Isang bulaklak ang napagdiskitahan. Pinitas ko iyong kanina. The poor flower was stripped out of it's last petal. Saktong pagtapon ko ng huling talulot ay siyang pagkarating ko din sa tapat ng bahay namin. I walked and opened the gate. "Baby" Napataas ako ng tingin no'ng marinig ang boses na iyon. Nilingon ko at napaawang ako ng labi ng makitang si oliver iyon. "Anong ginagawa mo dito" "I came here to apologize" "Astrid! Ikaw ba 'yan?" My heart fastened it's pace inside my ribcage when i heard that voice inside our house. From the sound of it, papalapit na iyon. It was my mom and maybe she heard the screeching of the gate nang aakamang bubuksan ko iyon ilang segundo lang ang nakalipas. Wala sa sarili akong napamura at kaagad na tumakbo papunta kay oliver. I opened the door of his car at kaagad na tinulak siya papasok. Bago pa tuluyang makalabas ang ina ay naisarado ko na ang pintuan ng sasakyan. Napapikit ako ng mariin habang kinakalma ang mabilis na kumakabog na dibdib. I heard oliver groan on my ear. At doon ko pa lang natanto ang ayos namin. He was sitting on the shotgun's seat while i was sitting sideways on his lap. Bahagya ko siyang hinampas sa dibdib when he groaned more nang inayos ko ang pagkakaupo ko sa kandungan niya. My skirt was so short and our position was no help at all. I saw my mother confused habang palinga-linga siya. Nasa may pintuan pa din siya at ilang segundo pa ay lumabas na din ang kapatid ko. They were muttering something. Kumunot ang noo ng ate. At ilang segundo pa ay dumapo ang tingin niya sa banda namin, dito sa sasakyan. And i was starting to doubt kung tinted nga ba ang bintana nitong boyfriend ko o hindi. Lalo na't nakita ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi ng ate while looking at our direction. Humarap siya ulit sa ina at may sinabi siya dito. Ilang segundo pa ay pumasok na silang dalawa sa bahay. With my sister shutting our front door. "Do you think she saw us?" I whispered nervously. Nakatingin la din sa nakasirang pintuan ng bahay. "Who? Your mom?" "Hindi! Ng kapatid ko!" "No. I don't think so. Pero mukhang alam niyang nandito tayong dalawa sa loob ng sasakyan" Kumunot ang noo ko at humarap sa kaniya. Kumalabog ng husto ang aking dibdib ng pagkaharap ko ay ilang pulgada na lang ang layo ng labi namin sa isa't-isa. I can feel his breath on my lips. "Come with me" aniya na nakatingin sa labi ko. Iniwas ko ang tingin ko. I feel like i'm gonna die in anticipation kung patuloy akong haharap sa kaniya. "Where?" "On our condo" Our? "Ayoko" Mabilis kong sabi at bahagya siyang hinawakan sa balikat para maiangat ang sarili, para maabot ang pintuan. I yelped when he prevented me from doing so by handling me on the hips. Keeping both hands firm. "Oliver! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo huh!" "So do i baby. I want to give you something" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayoko" i said and later on grunted nang mas lalong dumiin ang hawak niya. I rolled my eyes. Nilahad ko ang kamay sa kaniyang harap na nagpatawa sa kaniya ng bahagya. "Of course. I don't have it here" "So you really planned na pumunta dito para kumbinsihin akong sumama sa'yo?" The corner of his lips rose like it was indicating in a non-verbal way that in any way question, it was a yes. I rolled my eyes. "Move" i said in a soft voice. Pinagkatitigan niya ako ng ilang segundo bago umiling bilang pagtanggi. "Oliver—" "I won't. Okay? I know what you're trying to do. Lalabas ka lang" I heaved a deep sigh. "So sinong magda drive? You know that the car won't drive itself back to your condo right?" "You mean..." "Oo" i looked away. I saw his face lit up. Bahagya akong napatalon nang bigla niya akong halikan sa pisngi. I felt my cheeks reddened. He slightly moved me para makalabas siya at makalibot sa papuntang driver seat. He started the engine at tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Nang makarating sa kaniyang condo ay tahimik lang din akong umupo sa kaniyang sofa. I silently reached for the remote to turn on the tv, so that i can spare us both from the awkwardness and deafening silence. In the corner of my eyes, i can see his figure walking towards me from his room. Pero hindi ko siya nilingon. "I won't be staying for long. Baka hinahanap na ako ni mommy." I said. Never leaving my eyes on the television. I don't find the show entertaining at all. It was just an excuse to prevent any long conversation. Nang hindi siya magsalita ay nagsalita ako ulit. "So what is it that you wanna—" Nagulat ako nang paglingon ko, i came face to face with a full-scented flower. It was a bouquet full of freshly looking flowers. It has a mix of purple and white in an ombré form. It has an ample amount of petals which looked soft and delicate. "Is this some kind of peace offering?" I tried to raise a brow but can't. I was too awed and touched by the gesture. He grinned. "You can say that" I can't help but smile. Lalo na nang nilapag niya iyon sa kandungan ko. I picked it up. "It's not everyday that the infamous doctor gives his girlfriend flowers" i touched softly each petal. "Minsan lang din naman tayo mag-away" he chuckled. Tumaas ang kilay ko. "I mean...i know that you prefer take outs so..." "Hmm..that's true." Nilapit ko sa ilong ko ang mga bulaklak. Nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy no'n. "Thank you though" "Is my efforts appreciated?" "Very much" "So that means okay na tayo? Napapatawad mo na ako?" I looked at him with a stifle smile. "No" i let the words slip out of my tongue, teasing. I heard him chuckled. Kumunot ang noo ko nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin. My full attention was on the flowers. Bahagya akong napasinghap when i felt a cold thing placed on my neck in a swift gesture. It made me look down. Napahawak ako sa leeg ko at doon ko na lang natanto na kwintas iyon. I looked at oliver astounded. "Are you seriou—you didn't have to" I hastily grabbed my phone to mirror it's reflection. Mas lalo akong napasingap nang makita ang itsura no'n. It was pure white gold, which i know that is super expensive...more expensive than yellow gold. And the design, the detail, it was a flower. Nang ibaba ko ang tingin ko ay doon ko pa lang natanto na kaparehas iyon ng hugis sa bulaklak na hinahawakan ko ngayon. And in it's petals, placed are awed-worthy little crystals that would glimmer when a light hits it. "Beautiful little piece isn't it?" He asked. "It is." "So Beautiful...like it's name" Napatingin ako sa kaniya. "May pangalan siya?" I asked dumbly. He chuckled. "I meant the flower sweetheart" Nakabalik na siya ngayon ng upo sa tabi ko. I looked at his face habang iniipit niya ang strand ng buhok na bahagyang nakatabon sa aking mukha. "Astrid" "Hmm?" He smiled softly. His hand went to my cheek. Slowly caressing it. Slowly and softly like my cheek was delicate as this flower. Umiling siya habang nakangiti. "It's called astrid" Bahagyang napaawang ang aking mga labi ng mag sink in ang ibig niyang sabihin. "You mean this flower?" "Uhuh" "S-so...pinasadya mo pa itong kwintas?" Did he? He ordered this beguiling necklace for customization. Only for me? My heart is so full right now.. "Ano sa tingin mo kung bakit hindi ako nagpakita sa'yo ng ilang araw?" He chuckled. "I came to the store every single day to follow it up. And overwhelm the employees there for a rush" "I—uh...I cannot take this" "Why not?" "Because! I am not with you for this. I mean...what will people say?" "I don't care. And you should too" pinigilan niya ang kamay ko na abutin ang lock sa likod ng aking leeg. He walked. Slowly. Closer to me, until our foreheads were touched. He held me in both cheeks para magkatitigan kami. "Pero—" "No buts." Aniya na kinanguso ko. "Let's put it this way. Isipin mo na lang na..this is me thanking you for the efforts of going to my workplace and cooking me lunch after a tiresome day" Bahagya akong napatawa. "You are most welcome" He kissed me fully on the lips. "And this is your boyfriend...apologizing for the quarrel...and forgetting our first anniversary"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD