Chapter 7
"Nissy!" I came to her nang makarating sa classroom. No'ng una ay hindi pa niya ako nilingon kaagad because she was too preoccupied with her phone. No'ng ikalawang tawag ko ay doon na siya lumingon nang nakangiti sabay baba ng kaniyang phone.
"Hi! Good morning!" She greeted with a wide smile.
Pinanliitan ko siya ng mata. She looked at me innocently so i just dropped it. "Good morning"
"Walang maganda sa umaga" ani ng nakasimangot na si victoria. We looked at her questioningly at tahimik lang siyang umupo sa kaniyang upuan, sa likod ni nissy.
"Kakarating mo lang. Nakasimangot ka na kaagad. Anong nangyari sa'yo?"
Inirapan niya lang ako sabay iwas ng tingin. Nagkatinginan kami ni nissy. We both shrugged.
"Don't mind her. Wala namang bago. Palagi naman 'yang nakasimangot" ani nisssy.
"Naririnig ko kayong dalawa. Tigilan niyo ako. I'm not in the mood for anyone"
We stifled a laugh. Hinayaan na nga siya namin.
"So..tuloy tayo mamaya?" Tanong ko.
"Oo naman!"
Napangiti ako. Umupo na ako sa upuan ko at ilang minuto pa ay dumating na ang first subject prof namin.
"Nissy!" Tawag ko sa kaniya pagkatapos ng buong umagang klase namin. Tori was nowhere to be found. Kaagad lang naman siyang umalis pagkatapos ng klase, walang imik. Si nissy naman ay nauna na sa locker niya para iwan ang kaniyang mga gamit.
"Halika na!" She said and i clung my arms on hers. Sumakay na kami sa sasakyan niya at pumunta na ng kanilang bahay.
"Wala ka bang ibang kasama dito? Baka nandito ang mga magulang mo? Nakakahiya naman"
"Wala. Wala sila dito. My dad is in a business trip at bukas ng gabi pa ang uwi"
"Ang step mom mo?"
"Edi sumama sa kaniya"
I chuckled. Nilibot ko ang tingin sa malaking bahay nila. It was huge...halatang mayaman talaga sila. Well, out of us three, si nissy lang naman talaga ang mayaman. Hindi nga lang siya katulad ng ibang mga mayamang babae, she is so down to earth and just dresses up simply and casually. Hindi din siya gaanong maarte.
Actually, she has a condo under her name. Kaya nga nagtaka ako kung bakit dito niya ako dinala. When i asked her, she told me that kumpleto daw ang gamit dito sa bahay nila kesa sa condo niya. Kumpleto din sa ingredients. Dahil hindi pa daw siya nakakapag grocery doon para sa condo niya dahil minsan lang din daw siya namamalagi doon. It's rich stuffs. I wouldn't understand. Obviously.
"Sigurado ka bang tama itong ginagawa ko? You know i'm capable of messing this up right?"
"Ash...sweetie? You cannot be that ignorant in cooking to burn a pan full of boiling pasta" she chuckled.
Ngumuso ako. "But i can overcook it right? Tingnan mo nga?"
Umiling-iling lang siya but later on peeked on my side of the stove.
"Maybe two more minutes and that'll be good" she said.
"Okay" bumalik na siya sa counter, sinundan ko siya ng tingin. "Can we switch?"
"Huh?"
"Ako na lang diyan. Ako na maghiwa. Ikaw na dito" mukha kasing mas madali lang ang ginagawa niyang paghiwa. Marunong kaya akong maghiwa. hello!
And being the nice and gentle person she is, pumayag siya. It took us maybe a total of two hours bago kami natapos sa pagluluto. Yes, that long. Kung ako ba naman ang kasama mo sa pagluluto na hindi lang walang alam kundi ingat na ingat din sa pagagawa dahil ayaw masunog ang mamahalin nilang kusina. And also, I didn't want our efforts to go to waste.
"Thank you talaga nissy!" I gave her a tight hug before i went out of her car.
"It's no problem ash! I'm glad to help"
"No! Really. Bawi ako sa'yo next time"
"Okay, if you say so"
I was about to get out nang may maalala.
"Where are you going by the way, bakit bihis na bihis ka ata?"
"Huh?" Kita ko ang taranta sa kaniyang mga mata. "Doon lang. café. I'm kinda...craving...for coffee"
Pansin ko kasi na naka bestida siya which is really uncommon for her usual outfit. I just smiled and let her be.
"Okay! Thank you ulit! Ingat ka!"
She smiled and i went out.
Tiningala ko ang malaking gusali. The large monument literally said 'golden crest hospital'
Ilang beses na akong nakapunta dito pero nalulula pa din ako sa kaisipang sobrang YAMAN pala talaga ng boyfriend ko. I literally forgot sometimes.
Pumasok na ako ng hospital. And of course, being private as it is, hiningian pa ako ng I.D. Gusto kong samaan ng tingin ang guard. Like really, mukha ba akong below 18?
Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa information area. I greeted the nurse there with an awkward smile.
"Hi"
"Hello ma'am, good morning. What can i help you with?" She said.
"Uhm..is uh..Oliver available?"
Confusion was evident on her face.
"I'm sorry ma'am. Who?"
Okay...so stupid astrid haydn! Of course they don't do a first name basis here! Especially on oliver!
"Oh sorry. I meant, Doctor Tan"
She blinked a couple of times
"Perhaps i heard you wrong. Come again?" She even leaned further.
"Doctor...Oliver Devon Tan. The uhm..soon to be director and CEO? No? How about the son of Chairman Oseias Tan?"
Pinagkatitigan niya ako ng ilang minuto.
"May i know...Who is asking po?"
Me. I wanted to say but suppressed myself.
"His..." ano bang sasabihin ko? Maniniwala ba sila kung sasabihin kong girlfriend ng kataas-taasang boss nila ang naghahanap?
Napadiin ang hawak ko sa paper bag na dala.
"His?...." She asked expecting.
I was about to say colleague when..
"His girlfriend." Said by a hard english accent.
Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko napigilan ang ngiti, kaagad itong kumawala nang makita kung sino ang nasa likod.
"Dr. Blakely" ani ng nurse sa likod ko.
"Grif!" I exclaimed. He chuckled when i jumped in for a hug. "Griffin!"
"How are you?" He asked in full smiles.
"I've been well darling, how about you?" I replied in jokingly british tone.
It made him laugh.
"Still the same old crazy, i see"
Nakangiting sinamaan ko siya ng tingin.
"And you're still work-oriented and single...i presume"
Now it was his turn to glare.
"Oh come on! Hindi ka pa din ba napapasagot?" I asked unbelievably.
I yelped nang bigla niya akong inakbayan at ginamit ang nakaakbay niyang kamay para takpan ang aking bibig.
"I'll vouch for her. I'll take her from here" he said to the nurse at wala naman itong nagawa kundi tumango.
Naglakad kami papuntang elevator. At nang makapasok ay doon niya pa lang ako binitiwan. Sinamaan ko siya ng tingin. But later on, i grinned.
"Talaga? Totoo ba ang sinabi ko? Grabe! Ilang years na ba?"
"Stop reacting disproportionately, it's just been...years"
"How many years to be exact?" nang ilang segundo na hindi siya sumagot ay malakas akong napatawa. Ang ibang nurses na kasama namin sa elevator ay napatingin sa akin.
"Hush!" Pabirong pinandilatan niya ako ng mata at luminga-linga. "I'm not telling you. I won't give you the chance of satisfaction" he said in a nosebleed-worthy accent.
I smirked. "Oh doc, i don't even desire to be satisfied by you" i said in a jokingly flirtatious voice.
Napatawa ako when He made a disgusted face.
Saktong pagbukas ng elevator ay inakbayan niya ako ulit tsaka binalik ang kamay na kaninang tumatabon sa aking bibig. I slapped his hands that was placed on my mouth but ended up hurting myself too. I just hummed disapprovingly.
I let him be and just walked straight ahead on the hallway covered in blinding white walls. Kita ko ang ibang mga tao, mostly mga nurses ay tumitingin sa banda namin. Hindi ko sila pinansin.
I didn't care though. Griffin became my friend too so i became close and comfortable with him. We were so close na wala nang kaso sa amin kung nagiging touchy man kami sa isa't-isa. But of course, not the kind of touchy compared to a boyfriend and girlfriend...more like a sibling, cousin kind of touchy. But of course, like oliver, we have a huge age gap. They were both in medical school level while i was in senior when we became super close.
"Some of them may think that i'm k********g you" he chuckled.
"Feel free to have me in captive anytime doc" i said on his hand.
We head our way to the nurse's station and ask about my not yet seen boyfriend.
Gusto kong matawa sa mukha ng nurse na panay ang tingin sa akin. Siguro nagtataka na ang isa sa mga seryosong doktor nila ay may inaakbayan na kung sinong babaeng hindi pamilyar sa mga mata nila.
Bahagya kong siniko si Griffin sa gilid. I was about to take off his hand from my face when i heard a hard low voice echoing across the hallway.
"I assume that's my girlfriend your holding fucker?" Nilingon ko si oliver at mariin ang tingin nito kay griffin who felt like he woke up this morning and chose to have a purple cheek dahil hindi pa din nito inaalis ang braso sa akin.
"Oh! She has a boyfriend? You're his girlfriend? I thought you're single?" Griffin looked at me.
"I'm not" i chuckled.
"Well that's not what you have told to me downstairs" dugtong pa niya ng nakangisi.
I rolled my eyes at pumagitna na sa dalawa. I went to my boyfriend na mukhang isang salita na lang ng kaharap ay dudugo na ang labi nito. He is not usually violent...only when triggered.
"Okay you guys. Stop it" i chuckled.
"Dr. Blakely, i was informed that you still have an operation to attend to an hour after"
"Yes, i do indeed"
Pinandilatan ko siya ng mata sa pagsasagot niya pa.
"The patient's family wouldn't be too assured if their doctor would be operating with a one swelling eye. So i suggest...keeping your Goddamn hands to yourself"
Bahagya akong napangiwi sa mababa at mariin nitong boses. I let out an awkward chuckle at lumapit na sa mukhang bad trip na singkit.
I clung unto him and put a hand on his shoulder. I cut his gaze on grif's by tilting my head in order for him to meet mine, shadowing grif's.
"Baby...chill! Your Best friend is just messing with you" i whispered.
"Well i'm not."
One last glare at his friend, kinuha niya ang kamay ko at hinatak na ako palayo doon. Nilingon ko ang doktor at natatawa siyang umiiling.
That one can be a tease at times...
After riding the elevator again, we arrived at a certain floor. Walked...hastily a couple of seconds. Until we arrived in front of a door.
He closed the door behind us. Tumingin ako sa paligid ko.
At least his office is not all white...actually, it's quite modern and clean. Which I did not expect. At walang mga medical equipments huh? Parang office talaga siya. With squeaky wooden floor, glass windows, dim lights, guest sofas in the middle and a two step mini stair that would lead above to the table with a swivel chair.
I'm amazed. I have never been here before.
"Why are you here?"
Liningon ko si oliver at nakaupo na siya ngayon sa couch. Nakahubad na ngayon ang kaniyang robe. Polo na lang ang natira.
"Binibisita ka. Bakit? Bawal ba?"
Hindi siya nagsalita. I went to him closely. I slightly lifted his arms para makaupo ako sa kandungan niya. He just continued to look at me coldly.
"Hmm? Bawal bang bisitahin ang boyfriend ko?"
I led my fingers on his forehead and slightly massaged the crinkles off.
"Oo. Bawal" aniya na kinasimangot ko.
"Did you woke up in the wrong side of your bed earlier this morning? Or..."
"I didn't. I just happen to find my girl and my friend flirting with each other"
Okay...someone's being jelly.
"We are not flirting mr. Kahit noon pa man ganito na kami magkulitan, bakit ngayon ka lang nagseselos?" I chuckled.
His glare at me intensified.
"Why are you here? Did the effect of the anesthesia already faded?"
Napaawang ako ng labi.
"Yes. It did. And i can sense..clearly. That you are being an ass right now"
"I'm being an ass?" He looked at me unbelievably. "Try putting yourself in my position. What would you feel if you find me having my arms on some woman's shoulder?"
Pingkatitigan ko siya.
"I would not be...pleased...of course"
"Exactly"
"Seryoso ka? Pag-aawayan talaga natin 'to?" I looked at him unbelievably.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo kaya napatayo na din ako. Kamuntikan pa akong masumbsob na kinabigla din niya. He tried handling me on the waist pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ash..i'm—i'm really sorry...hindi ko sinasadya" bumuntong hininga siya at minasahe ang bridge ng kaniyang ilong. "I'm sorry. I'm just exhausted."
I looked into his eyes at pansin ko nga ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata. He looks like he had been on duty since last night.
Bumuntong hininga ako.
"You know what? I'm just gonna leave it here" i put down the paper bag on the coffee table. Mukhang ngayon niya lang din iyon napansin.
"Ano 'yan?"
"It's your lunch. I made it for you" tumalikod na ako.
"Baby, where are you going?" Sinubukan niya akong sundan nang makarating na ako sa pintuan. I raised a finger to stop him from doing so.
"I'm really sorry. I really am"
I know...
"You should rest. Babalik na lang ako kapag may tulog ka na at wala na 'yang galit mo" ani ko at sinarado na ang pintuan sa likod ko.
Okay..so that didn't worked out as planned...