021 Out of my league CLAIRE Nagising akong nakaunan na ako sa dibdib ni Sebastian habang yakap namin ang isat isa. Hindi ko alam kung talagang may tama na nga ako sa utak dahil bigla na lang akong napa ngiti. Ano na Claire? Wag mong sabihing kinikilig ka sa lalaking yan? Ilang beses ka nang nagising na katabi siya ngayon ka pa ba kikiligin? Punyeta anong kalokohan yan ha Claire? Pero kahit anong sabi ng isip ko sa sarili ko hindi ko pa din magawang bumitiw sa pagkakayakap kay Seb. Ewan ko ba ang komportable kasi sa pakiramdam. Parang tanga ka Claire! Kagabi lang kung ano anong pinag sasabi mo ngayon gaganyan ganyan ka? Parang sira. Well may tama naman talaga ako sa utak kaya siguro nagkakaganito ako ngayon. Mabuti na nga lang at hindi pa ulit ako nawawalan ng ala-ala. Jusko hindi ako p

