020 Isn't it obvious? C L A I R E "Gusto kong maligo." Sabi ko habang nakahilata sa kama. Nakaupo sa tabi ko si Sebastian habang nag lalaptop. Buti pa 'tong gagong 'to nakaligo na. May mga damit kasi siya dito na hinanda talaga ng auntie niya kung sakaling maisipan niyang mag baksyon dito sa paris samantalang ako walang kadamit damit. Malay ko ba kasing dadalhin niya ako dito. Hindi naman sa nag rereklamo ako dahil somehow gusto ko din naman ito. Sino bang may ayaw pumuntang paris? Isa din ito sa mga balak kong puntahan sana kung makakaipon. "Sabi ko kasi sayo love, sabay na tayo." Inirapan ko siya. "Bwisit ka! Dalhin mo ba naman ako dito ng basta basta. Di ko tuloy alam kung anong susuotin ko." Inis na sabi ko. Ngumisi si Sebastian. "Hindi naman ako maarte love, okay lang sa akin ku

