033 "Clara's side" C L A I R E Nauna kong magising kay Sebastian kaya naman naisipan kong bumangon na para maipag handa siya ng makakain dahil may pasok pa siya sa trabaho mamaya. Wala akong alam sa pag luluto kaya naisipan kong magpa deliver na lang ng almusal. Habang hinihintay ang pinadeliver kong breakfast ay naisipan kong buksan na muna ang TV para may mapaglibangan nang biglang tumunog ang doorbell. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Ang bilis naman yata masyado ng pinadeliver ko. Pag bukas ko ng pinto ay agad bumungad sa akin ang mukha ni Clara. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Ngayong alam kong may nakaraan sila ni Sebastian hindi na ako nag taka kung bakit siya nandito. "Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong ko. "I need to talk to you." Aniya s

