Kabanata 32

2358 Words

032 His past C L A I R E Isang lingo na simula nang lumipat ako dito sa condo ni Seb. Maayos naman ang pag sasama namin kahit madalas ko siyang awayin dahil sa pagiging mapang asar niya. Kahit na nag aminan na kami ay para pa din kaming yung dati na madalas mag asaran. May mga bagay talaga na mahirap baguhin pero pagkatapos naman naming mag bangayan ay balik na ulit kami sa pagiging sweet na parang walang nangyaring bangayan. Nilibang ko ang sarili ko sa panunuod ng TV dahil ayoko namang gumamit ng social media dahil may mga tao nga akong iniiwasang makausap. Madalas kasi akong maiwan dito sa condo ni Sebastian kapagkailangan niyang pumasok sa opisina at sa school. Bumukas ang pinto at mabilis akong tumakbo palapit sa kadarating lang na si Seb. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD