026 "Chance" C L A I R E Pagkatapos naming mananghalian ni Seb ay agad naman siyang nagpaalam. May kailangan lang daw siyang asikasuhin siyempre pinabayaan ko na. Bakit ko naman raw siya pipigilan? Ano ako girlfriend? Napangisi ako. Hindi pang girlfriend ang tulad ko. Yung mga kagaya kong babae masarap lang kalaro pero hindi magandang girlfriend. Ano ba naman alam ko bilang girlfriend. Ni hindi ko nga kayang ipag luto ang sarili ko at asikasuhin tong bahay ko ang mag alaga pa kaya ng boyfriend. Kaya naniniwala ako na nag eenjoy lang yung Sebastian na yun makipag laro sa akin pero wala yun balak na seryosohin tong lahat. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya agad ko iyong kinuha upang sagutin ang tawag. "Claire ang manang Sita mo ito. Isang lingo na kita gustong

