025 "She's Claire's mom" C L A I R E Isang lingo na mula nang huling kita ko kay mokong, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ako nasasaktan kapag naiisip ko siya? Bakit hindi ko maiwasang mag hinayang sa mga pinag samahan namin. Para na akong baliw. Ano ba naman tong mga inisiip ko. Una sa lahat ako ang gumusto nito at ako ang nag palayas sa kanya sa buhay ko kaya wala akong karapatang mag inarte ng ganito. Ginusto ko to! Nakaka punyeta lang kung bakit apektadong apektado ako sa biglang paglayo niya. As in never na talagang nag pakita sa akin ang mokong kahit sa school. Hmp! Kala naman niya hahabulin ko siya! Mukha niya no! Bahala siya mag isa niya! Wala akong pake sa kanya. Bwisit siya! "Ano na girl? Tatanga ka na lang ba dyan! Halika na dito!" Tawag sakin ni Jess na na

