024 "Goodbye" C L A I R E Kinabukasan ay pumayag na din akong sumama kay Chris sa doktor. Chineck-up ulit ako ng parehong doktor na tumingin sa akin nuong isang araw tapos kung ano ano pang mga test ang pinagawa sa akin. Binigyan ako ng mga gamot na kailangan ko daw inumin araw araw para hindi na dumalas ang pag sakit ng ulo ko. Pinayuhan din ako ni doc na palagi dapat akong may kasama in case na mawalan nanaman daw ako ng ala-ala. May posibilidad daw kasing mabura ang buong memorya ko pero wag daw akong mag alala dahil babalik din daw naman yun. Di ko maiwasang mapangisi habang sinasabi niya yun. Wag mag alala? May posibilidad na mawala ang buong menorya ko tapos wag mag alala? Gago din eh. Sabi pa niya kung maari daw ay mag pa confine na lang ako para mas mabantayan nila ang kondisyo

