023 "Let me help you" CLAIRE Buong buhay ko ngayon ko lang naranasan na ipag tanggol at kampihan. Mula nuong bata pa ako pakiramdam ko mag isa lang ako kahit kasama ko si Dad. Pakiramdam ko wala pa din akong kakampi dahil never naman niya akong ipinag tanggol sa mga anak at asawa niya eh. Ang sakit sakit sa akin nun kaya nga siguro naging ganito yung ugali ko. Kaya nga siguro ako naging matapang ngayon kasi wala naman akong choice eh wala namang ibang mag tatanggol sa akin. Bukod sa sarili ko sino pa bang mag dedepensa sa sarili ko? Pero si Sebastian... Iba siya. Iba talaga siya dahil ipinag tanggol niya ako. Bakit ba hindi ko agad nakita na simula pa man nun.. Inililigtas at ipinag tatanggol na niya ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam ko napaka baba

