Dahan-dahan akong lumapit kay Jariah nang bumagsak ang kanyang beast sa lupa. Paulit-ulit niyang ibinunggo ang kanyang ulo sa malaki at makapal na puno, hanggang sa mawalan siya ng malay. Hindi ko alam kung paano siya nagkaganito, kung paano siya naging feral, pero nang makita ko na naging pula ang kanyang berdeng mga mata, alam kong naturukan siya ng feral serum. Hinintay ko na magbalik siya sa kanyang form pero hindi ito nangyari at pati na rin ang cougar na nakatulog na sa rami na itinira sa kanyang arrows ni Millian na nilagyan niya ng sleeping potion. Dahil hindi sila bumalik sa dati, ibig sabihin kumpleto na ang feral serum, permanent na ang effect nio sa mga shifters at sila ang patunay. Kitang-kita ko kung paano nag-struggle si Jariah, kung paano niya pinigilan ang kanyang beast n

